Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MARAMI ang nagulat at na-excite sa magiging project ni John Lloyd Cruz sa GMA Network. Noong Sabado, inanusyo na siya ay malapit nang mapanood sa GMA kasama ang ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame.
Matatandaang lumikha ng ingay ang recent announcement ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd. At talaga namang excited ang kanyang fans na mapanood syang muli matapos niyang mag-break sa showbiz ng apat na taon.
At masaya sila sa balitang mapapanood na nila ang kanilang idolo sa GMA para sa grand event ng isang shopping app sa June 6.
Ang inaabangan din ngayon ay kung bukod ba rito ay may iba pang projects na niluluto sina John Lloyd at Willie. Tutok lang sa GMA for more updates tungkol dito.
***
EXCITED na ang viewers at netizens na mapanood ang tambalan nina Rocco Nacino at Max Collins sa upcoming Kapuso series na ‘To Have And To Hold.’
Taong 2012 pa nang huling magkasama sa isang serye sina Rocco at Max kaya naman masaya ang kanilang fans nang makita ang behind-the-scene photos sa pinakabago nilang pagtatambalang GMA series.
Bibigyang buhay nina Rocco at Max ang mga karakter nina Dominique at Gavin Ramirez. Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?
Abangan ang iba pang Kapuso stars na makakasama nina Rocco at Max sa To Have And To Hold, soon sa GMA Network.
***
MARAMI ang nagandahan at humanga sa teaser ng Lolong na ipinakita nitong Lunes sa 24 Oras!
Mabilis ding naging trending sa Twitter ang #Lolong na matatandaang kasama sa mga programang nakalinya ng Kapuso Network ngayong taon. Talaga namang napa “Wow!” ang mga nakapanood sa pasilip sa upcoming adventure series ng GMA Network na pagbibidahan ni Ruru Madrid.
Ang Lolong ang sinasabing biggest primetime adventure series sa Pilipinas ngayong 2021 at kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood sa teaser ay promising talaga ang nasabing serye na handog ng GMA Public Affairs.
May ilan pang nag-comment na parang Disney raw ang gumawa ng nasabing teaser at nakabibilib talaga ang animatronics na gagamitin para sa karakter na si Dakila–ang dambuhalang buwaya na magiging kaibigan ni Lolong (Ruru) sa serye.
Bukod kay Ruru, bibida rin sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Marami talagang exciting shows na dapat abangan sa GMA ngayong taon.