Advertisers
HIMAS rehas ngayon ang isang tatay at bayaw nito nang pagtulungan gahasain at patayin ang sariling anak ng una sa bayan ng San Mateo, Isabela.
Kinilala ang mga naarestong salarin na sina Alfredo Corpuz at Rogelio Delos Reyes.
Sa ulat, October 27, 2020 nang matagpuan ang walang saplot na bangkay ng 13-anyos na biktima sa may irigasyon. Naging pangunahing suspek ang magbayaw.
Napag-alaman na dati narin may kasong murder at frustrated murder si Delos Reyes subali’t nakalaya ito.
Agad nagsagawa ng operasyon laban sa mga suspek at naaresto ang mga ito sa kanilang pinagtataguan sa kubo sa bulubunduking bahagi ng Sitio Pader, Bgy. Anak, Nagtipunan, Quirino.
Nakakulong na ang dalawa at haharap sa karampatang kaso.