Advertisers

Advertisers

Jennica blooming sa taping ng bagong serye sa Siyete

0 290

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MARAMING nakapansin na blooming at fresh ang dating ngayon ni Jennica Garcia mula sa kanyang pasilip na ‘morning look’ sa lock-in taping ng ‘Las Hermanas.’

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” post ni Jennica sa Instagram.



Kabi-kabila naman ang suportang natatanggap ni Jennica sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos ang ilang taon. Komento ng isang netizen, “Wow. Balik ulit sa pag-arte keep on fighting and stay safe po.”

Gagampanan ni Jennica ang karakter ni Brenda, ang magiging karibal ni Dorothy na bibigyang-buhay naman ni Yasmien Kurdi.

Bukod kay Yasmien, bibida rin sa Las Hermanas ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez pati na rin sina Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

***

Jessica Villarubin pinuri ng Hollywood vocal coach



BONGGA ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin dahil nakuha niya ang atensyon ng Hollywood vocal coach na si Lee Lontoc ng American boutique media company ‘VisionQuest Sound’ dahil sa kanyang bagong single na ‘Beautiful’.

Kabilang sa mga nakatrabaho na ni Lee ang mga sikat na international artists na sina Melanie Brown ng Spice Girls at Saoirse Ronan.

Pagpuri niya kay Jessica, “Vocals and production are spot on and I love her energy! Jessica’s voice embodies beauty, grace, power and style. Put these qualities against a catchy song like “Beautiful” and you’ve got a winner! This song could be a hot number this summer with the right push.”

Ini-release ng The Clash Season 3 grand winner ang kantang ito noong nakaraang buwan under GMA Music at napapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms. Mapapanood na rin ang official music video ng ‘Beautiful’ sa YouTube channel ng GMA Music.