Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HANGGANG ngayon, hindi pa rin nakakaligtas sa pamba-bash ang dating presidential sister na si Kris Aquino.
Kamakailan, isang netizen ang pumuna sa kanyang itsura.
Ito ay matapos ibahagi ng celebrity endorser at digital star ang isang video sa social media na gumagawa siya ng flower arrangements.
Sa kabila ng positibong mensahe ng video ni Kris, mayroon pa ring piniling magpaka-ampalaya.
Nilait nito ang mukha ni Kris at sinabing pangit daw pala kapag walang suot na make up.
Hindi naman pinalampas ng aktres ang panlalait ng naturang netizen sa kanyang itsura kaya sinupalpal niya ito.
“Beauty is in the eye of the beholder, I could easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikakaganda ng buhay ko and hindi makakatulong sa lipunan… siguro you need to find happiness? And thank God diba, ako gumaganda pag may make up,” buwelta ni Kris.
Sa pagkakauso ng paggamit ng social media, karamihan sa nagiging biktima ng mga hate messages ay ang mga artista.
Gayunpaman, marami na rin sa kanila ang sumasagot sa mga bashers lalo kapag masyado nang mapanakit o below the belt ang mga komento ng mga ito.
***
SA isa namang kaugnay na balita, nag-alala ang Kapamilya actress sa isang video ni Kris na ipinakikitang sumasailalim siya sa iba’t ibang tests.
Ayon kay Kris, hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya kailangan niyang sumailalim sa diagnostic tests.
Dagdag pa ng Queen of all Media, nag-fast na raw siya ng 12 oras bilang paghahanda sa gagawing tests sa kanya.
Maliban sa routine tests, kailangan din niyang sumailalim sa antigen test para malamang sapat ang kanyang antibodies pagkatapos na mabakunahan siya ng unang shot ng Astrazeneca Covid-19 vaccine.
Sa comment section naman ng Instagram post ni Krissy, kinumusta ni Angel si Kris.
“Ate, hope you’re ok,” komento ni Angel.
***
PS: Maraming salamat kina Tita Cristy Fermin, Manay Lolit Solis, Willie Revillame, Congressman Nina Taduran, MTRCB Chair Rachel Arenas, Jun Nardo, Salve Asis, Sol Gorgonio Rula, Fu Espiritu, Take It Per Minute Me Ganun sa paayuda sa second showbiz community pantry.
Salamat din sa INC, kay Ka Eduardo Manalo, Ka GP Santos, Caesar Vallejos, Cesar Batingal ng Net 25 at sa tsinitong award-winning actor-politician sa ayuda sa PMPC.