Advertisers

Advertisers

Maris wala pang balak patali sa dyowang singer na si Rico

0 281

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

AGE doesn’t matter ‘ika nga pagdating sa pag-ibig. ito ngayon ang nangyari sa Celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco.

Hindi naman naging hadlang ang pagkakaroon ng malaking hadlang sa edad ng dalawa na 25 years.



Napag-isa ang dalawa sa hilig nila sa musika.     May nagtanong kay Maris kung may plano ba silang pakasal ni Rico.

Tsika ni Maris, ‘di pa raw siya ready at ayaw pa nito magpakasal sa kanyang edad ngayon.

Marani pa raw ito gustong ma-achieve sa kanyang buhay lalo na sa kanyang career.

Dagdag pa ni Maris, gusto pa raw niya na marami pang songs na ilabas kaya ang kasal ay wala pa anya sa isip niya. Masaya naman ito pag magkasama sila ng  bf na singer-composer.

***



KAHIT nga sa shopping app ay talagang may kabugan na kaganapan.

Si Alden Richards ay endorser ng isang shopping app na kasama ang media influencer.

Hindi naman nagpakabog si Alden sa comeback ni John Lloyd Cruz na isa rin endorser ng shopping app.

Bongga ang GMA-7 dahil isang malaking bituin si John Lloyd.

May usapan nga na tila magiging magkalaban na sina Alden at Lloydie dahil sa iisang network na lang sila.

Sitsit pang tsika ay humataw sa sales o tumaas ang kita ng shopping  app nung si John Lloyd na ang nagpo-promote.

Naku, marami na tuloy nag-aabang sa pukpukan ng dalawa lalo na ngayon na sa GMA-7 na sila pareho.  Hmmmp!?

Well, well, well…’Yun na!