Advertisers
ARESTADO ang apat na drug suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Baesa, Quezon City, nitong Sabado (Hunyo 12, 2021).
Sa ulat kay Quezon City Police Disstrict station 3 Talipapa commander PLTCOL. Cristime Tabdi kinilala ang mga nadakip na sina Andrew Dumrique a.k.a SAM,43, may-asawa, Accounting Manager, at residente ng 24 F. Carlos, Brgy Baesa, QC, Isagani Echano, 52, may-asawa, construction worker; Christopher Martinez, 23, binata, janitor; at Joel Garan, 42, binata, walang trabaho, at pawang residente sa naturang lugar.
Habang nakatakas naman ang isang suspek na nakilala lamang sa alyas “Baloy” at kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Ayon kay Pat. Jordan BArbado naganap ang operasyon, 8:25 ng gabi sa 24 F. Carlos, Brgy. Baesa, QC.
Sa ulat, nagsagawa ng drug-buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Talipapa sa pamumuno ni PMAJ. Jacinto Pascual lV na nagresulta ng pagkakadakip ng mga naturang suspek.
Ayon sa report, habang nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis isang suspek na si alyas Baloy na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang agad binaril ang pulis na si PCpl. Benedick Rebulanan na isa sa miyembro ng buy-bust team na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang likuran.
Nabatid pa sa ulat na 18 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu ang nakuha mula sa mga suspek.
Aabot sa 30 grams na shabu ang nakuha mula sa mga suspek na nagkakahalaga ng P204,000.
Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. (Boy Celario)