Advertisers
Kinilala ang nadakip na si Jose Fresado alias “Kudol” ng Barangay Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, 10:30 ng umaga nang magsagawa ng operation ang mga elemento ng Irosin Police Station sa Brgy. Pansinao, Candaba.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na ipinalabas ni Hon. Tobias B. Arriola ng RTC Branch 55, 5th Judicial Region sa Irosin noong March 2, 2021.
Si Fresado ang nang-rape sa isang minor na estudyante ng Irosin High School noong May 23, 2019. (Mark Obleada)