Aiko at Marjorie dinedma ang mga ama ng mga anak na nagradweyt sa skul; Julia pumalag na hiwalay na sa mister kaya balik-Pinas
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SOBRANG kaligayahan ang nadama ng mga nanay na sina Aiko Melendez at Marjorie Barretto sa pagtatapos ng kanilang anak sa pag-aaral.
Ang anak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andre Yllana ay nagtapos ng Automotive Mechanic Course.
Si Leon, anak ni Marjorie kay Dennis Padilla ay nagtapos naman high school.
Emosyonal si Aiko sa Instagram na inilahad ang kanyang pinagdaanan para makapag-aral ang anak.
Inisa-isa naman ni Marjorie ang mga academic honor, certificate of recognition at mga medalya ng anak.
Pinasalamatan ni Aiko ang kanyang bunsong anak na si Marthena na siyang nagpu-push daw kay Andre para mag-aral nang husto. Pinasalamatan din niya ang kanyang Mommy Elsie, ang yumaong stepdad at boyfriend na si Zambales Vice Gov Jay Khonghun.
Pinasalamatan naman ni Marjorie ang anak na si Julia Barretto na tumulong para makapag-aral sa maganda at mamahaling school ang kapatid.
Halos lahat ng dapat pasalamatan ay ginawa nina Aiko at Marjorie maliban lang sa ama ng kani-kanilang anak. Tila dinedma ng dalawa ang ama ni Andre na si Jomari at ama ni Leon na si Dennis.
Ganoon na raw ba talaga ang galit at tampo ng mga ina nina Leon at Andre sa ama ng mga ito?
***
Julia nagsalita na kung bakit nagbalik Pinas at nagtrabaho
KAPAG ang isang artista ay nag-asawa at nanirahan na sa ibang bansa, tapos ay biglang bumalik ng bansa para magtrabaho uli ay mag-iisip ka agad na may marital problem ito.
Gaya ni Julia Clarete na nang mag-asawa at manirahan na si Malaysia ay nagbalik Pinas kaya tanong ng netizens kung may nangyari raw sa kanilang pagsasama ng husband na si Gareth McGeown.
Dahil sa dami ng nagtatanong at nag-iisip na baka hiwalay na ito sa dayuhang mister, nagsalita na rin si Julia.
“I might as well address it now. Kasi ang dami ngang artistang ganyan na kapag nag-settle down tapos umalis ng bansa, nagbalik artista, yun pala boom! May naging marital problem. It happens a lot.
“But in my case kasi when I left Eat Bulaga for Malaysia it was to join Gareth kasi were gonna settle in na, we were gonna get married.
“Tumawag sa kanya yung company (Cola-Cola Philippines). Kasi he was running na Singapore, Malaysia and Brunei. He was running three countries as the CEO of Cola-Cola. Tinawagan siya ng Coke. Sinabi sa kanya gusto mo bang i-take on ang Philippines.`Sabi niya, “You want to go back home?” I said, “Do you want to take on the Philippines?” Eh love niya ang Pilipinas kasi dito na rin siya galing before. Ako, hindi ko maikakailang miss na miss ko ang Pinas. So, sabi ko, “Tara.”
“And he was very happy na parang I didn`t mind coming back, na we will be susceptible to intrigues, but it was purely for his work and ang saya namin dito. So he is now the CEO of Cola-Cola Bottlers in the Philippines.”
Kaya naman nang may offer nang magbalik Pinas ay kanyang tinanggap at tumanggap din siya ng Indie film.