Advertisers

Advertisers

‘Family History’, regalo ng GMA Network sa Father’s Day

0 247

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAPAPANUOD na sa TV sa unang pagkakataon ang directorial debut film ng Kapuso comedian at content creator na si Michael V. na ‘Family History’ ngayong Linggo, Hunyo 20, eksakto sa selebrasyon ng Father’s Day.

Inanunsyo ito ni Bitoy sa kanyang Instagram: “FAMILY HISTORY” airs on GMA Free TV on June 20, Father’s Day.”



Muling balikan ang kuwento ni Alex Dela Cruz (Michael V.) at ang pagbabago sa buhay ng kanilang pamilya nang magka-cancer ang asawang si May (Dawn Zulueta).

Matatandaang nag-uwi ang family drama ng award na “Natatanging Pelikulang Pampamilya” sa 4th Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Awards last year.

Huwag palalampasin ang ‘Family History’ ngayong Linggo sa GMA Blockbusters, pagtapos ng All-Out Sundays!

***

Kapuso stars, nagpapabakuna na!



Nagsimula na ang vaccination program para sa A4 category o iyong mga kabilang sa nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan kagaya na lang mga nasa entertainment industry.

Kasabay nito ay parami na rin nang parami ang Kapuso personalities na nabakunahan na kontra COVID-19 kagaya na lang nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Aiai delas Alas, Glaiza de Castro, Drew Arellano, Iya Villania, Wendell Ramos, Mike Tan, Suzi Entrata-Abrera, at Boobay.

Magandang halimbawa na makita ang pagpapabakuna na ito ng mga artista upang mahikayat ang ilang nag-aalinlangan pang magpabakuna o ‘di kaya’y wala pang sapat na kaalaman sa vaccination procedures sa kani-kanilang lungsod.

Sa katunayan ay natuwa rin ang netizens na makita ang ilang celebrities na nagpapabukana lalo pa at hindi lang ito para protektahan ang kanilang sarili sa coronavirus kundi makatutulong din pati na sa kaligtasan ng karamihan.