Advertisers

Advertisers

Kim mahilig sa maruming kelot; Jerald aminado, mukhang mabaho

0 287

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SHOOK  to the max ang karamihan sa  mga tagahanga ni Megastar Sharon Cuneta nang lumabas sa internet ang kanyang larawan kasama si Marco Gumabao.

Ang mga naturang larawan ay kuha sa ilang eksena na ginawa ng dalawa para sa pelikulang “Revirginized”.



Sa naturang mga larawan nakahiga sa buhanginan si Marco samantalang si Ate Shawie ay naka-swimwear na cleavage kung cleavage ang labanan. Hawak ng Megastar ang isang shot glass at tila tatagay ng alak sa style na body shot. Ang body shot ay ang pag-inom ng alak na nakalagay sa dibdib ng isang tao. Hindi rin naalis ang excitement kay Ate Shawie nang makita ang still photos at sa kanyang social media account ay pinost niya ito, na nilagyan pa ng caption na:

“OMG I have never done this in real life, I don’t drink tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha! Can’t wait to see the whole film,” say ni Ate Shawie.

May mga conservative fans si Ate Shawie na in denial pa rin hanggang ngayon na ‘di akalain na gagawa ng isang ‘sexy’ movie ang kanilang idolo at batang-bata pa ang kalabtim. Pero sa mga open minded ay welcome ang bagong putaheng movie na offer ni Mega.

At para kay Sharon,  proud siya sa “Revirginized” dahil sa nag-open ito ng new chapter sa kanya bilang isang aktres.

Samantala, ang direktor naman nilang si direk Daryl ay may hugot para kay Marco.



“Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved,” say ni direk Darryl.

***

MAITUTURING na perfect match ang magsyotang Kim Molina at Jerald Napoles dahil sa halos gamay na nila ang isa’t isa to the point na walang pikunan kahit pa below the belt ang banat nila sa bawat isa.

Sa isang walang pikunang Q & A na ginawa ng dalawa ay natanong si Kim kung anong katangiang pisikal ni Jerald na nagawa niya itong sagutin nang ligawan siya ng huli.

“Mahilig po kasi ako sa matangkad tapos gusto ko ’yong… pag tinatanong ako, ‘Ano’ng gusto mo sa lalaki’ Gusto ko ’yong matangkad, gusto ko ’yong madumi…’yong ganyan, madumi.  Hahaha! So, dirty ganyan,” pakuwelang say ni Kim.

Na hindi naman pinalagpas ni Jerald sa pagsagot.

“Mukha lang akong mabaho pero mabango po ako,” sey naman ni Jerald.

On the serious note, ano naman ang katangian ng boypren at nahulog ang loob niya kay Jerald.

“Matalino talaga kasi siya—siya po ay Mr. Science District 2B 1998! Tapos consistent honor student siya ng Holy Child. I think nagugulat ’yong mga babae. Aside, of course, from his sense of humor. Matalino talaga si Jerald and his sense of humor, the way he talks, he’s a good conversationalist.”

Sa ngayon ay bida ang loveteam onscreen nila sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na mapapanood  sa Vivamax, ktx.ph, at iWantTFCq.