Advertisers

Advertisers

NBA: Paul George binuhat ang Clippers vs Jazz para sa 3-2 lead

0 200

Advertisers

KUMAYOD si Paul George ng 37 points at humatak ng 16 rebounds upang pamunuan ang opensiba ng Los Angeles Clippers sa 119-111 tagumpay laban sa maangas na Utah Jazz sa Game five ng kanilang Western Conference semifinals kahapon sa Vivint Arena, sa Salt Lake City.

Marcus Morris umiskor ng 25 points at Reggie jackson nagdagdag ng 22 para sa Clippers, Ang Los Angeles ay nagwagi ng tatlong sunod-sunod na laro para itulak ang top-seeded sa pangpang ng elimination. Ang Clippers ay kumana ng 51% mula sa field habang si kawhi Leonard ay nasa lineup.

Bojan Bogandovic umiskor ng 32 points,kabilang ang nine 3-pointers upang pamunuan ang Utah.Donovan Mitchell nagdagdag ng 21 points. Rudy Gobert bumakas ng 17 points at 11 rebounds. anim na Jazz players ang umiskor ng double figures.Ang Game six ay lalaruin sa Biyernes sa Los Angeles.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">