Advertisers

Advertisers

Aiko inamin, tatakbong kongresman sa 5th District ng QC sa 2022 election

0 319

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

KINUMPIRMA ni Aiko Melendez ang muling pagtakbo niya sa eleksyon sa 2022.

Sa virtual presscon na idinaos kamakalawa, inamin ni Aiko na matapos ang panunungkulan niya sa konseho ng Quezon City sa loob ng siyam na taon, dahil sa mga panghihimok ng nakararami ay muli siyang papasok sa pulitika.



Kasama ang kasintahang si Zambales VG  Jay Khonghun nang humarap sa ilang entertainment media si Aiko, inihayag ng aktres  na matagal na ring may mga kumakausap sa kanila para sa pagtakbo niya bilang kongresman sa 5th district ng QC.

“I’m always been behind the scenes  sa pagseserbisyo sa bayan. It’s my first love. So ikinukunsidera ko talaga na I’m goung back to that direction. I’m going back to be a public servant,” kuwento ng mahusay na aktres.

Ang tanging maipapangako lang daw ni Aiko sa mga taga-distrito 5 ng QC ay ang kanyang pagseserbisyo sa publiko.

“Sa experience ko sa public service, huminto man ako ng ilang taon, wala naman akong iniwan na gulo o pangit na pangalan sa Quezon City,” dagdag ng aktres.

Samantala, balik-pelikula rin si Aiko after ng ilang taon, ang huling pelikula raw niyang nagawa ay ang Rainbow’s Sunset. Ang title ng movie ay Huwag Kang Lalabas na isang horror drama sa direksyon ni Adolf Alix.



Masaya ring itsinika ni Aiko na kung walang magiging aberya ay balik-taping na rin siya sa Book 2 ng PrimaDonnas. Hindi rin daw isyu sa aktres ang lock-in taping o shooting dahil sanay na anya siya rito.

Bukod dito, excited ding inihayag ni Aiko na may website na siya, ang online marketplace na pingmeup.store na mabibili ang iba’t ibang produkto na kailangan ng lahat mula sa bags, sapatos, damit at iba pa.

***

SEN. PING LACSON ‘DI BILIB SA TIKTOK SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA NG BANSA

NANINIWALA si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi anya tamang platform o paraan para makalutas ng mga problema ng bansa ang Tiktok.

Tsika ni Lacson, ang Tiktok ay maitutulad sa mga dati nang ginagawang photo ops ng mga pulitikong tumatakbo sa eleksyon.

Pagpapapogi lang umano ito at hindi pagresolba sa mga problema ng Pinas.

Hindi kasi maitatanggi na maraming ‘naaadik’ sa pagti-Tiktok kasama na ang mga pulitiko.

Si Sen. Ping ay isa sa mga ikinukunsiderang presidential aspirant  sa 2022 election bagama’t hindi pa siya pormal na nag-aanunsyo kung tatakbo nga.

Sey ng senador, “I always consider the presidency or leading any particular organization  a calling. It is a big responsibility. Best to think long and hard. It is not a game or a joke.

Kaya sa mga nais na tumakbong pangulo ng bansa si Lacson tulad nina Sen. Tito Sotto at Manila Mayor Isko Moreno, maghintay na lang tayo kung finally ay mahihimok na siyang kumandidato sa 2022.