Erpat na si Dennis, dinedma Julia pinuri ni Mommy Marjorie sa pagtulong na makatapos ang utol sa pag-aaral
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kabila ng mga batikos na ikinukulapol sa kanya dahil sa naging isyu niya sa amang si Dennis Padilla at sa mag-ex na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson, maraming netizens ang nagtatanggol sa Viva contract artist na si Julia Barretto.
Katunayan, marami ang bumilib sa young actress dahil sa pagiging mapagmahal at mapagkalingang anak nito sa inang si Marjorie Barretto at sa kanyang mga kapatid na sina Claudia at Leon.
Isang rebelasyon para sa netizens ang pagiging mabait na ate ni Julia sa kanyang brother na si Leon dahil sa ibinunyag ni Marjorie sa kanyang Instagram account.
Sa kanyang post, pinasalamatan niya si Julia sa tulong nito para mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang brother sa Multiple Intelligence International School, isang prestihiyosong international school.
Sa kanyang emote, proud din si Marjorie sa pitong awards na nakuha ng anak na lalake upon graduation nito from high school.
“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldnt have done it all without your help. You must be so proud too, and missing you so much,” sey ni Marjorie.
Umani naman ng papuri si Julia sa netizens ang ginawang pagpapasalamat ng ina sa anak sa tulong nito sa kanilang bunso.
Sey ng ilang netizens, na-redeem na raw nito ang sarili sa pagiging nega star.
Selfless daw ito sa pagtataguyod sa pag-aaral ng kapatid, to think, na hindi naman ito nakapagtapos ng pag-aaral.
Hirit pa nila, mali ring husgahan ang ugali ng aktres lalo pa’t generous naman pala ito bilang anak at kapatid.
Dagdag pa nila, ano raw kaya ang masasabi rito ni Dennis na isa sa mga obligasyon ay bigyan ng magandang edukasyon ang kanyang mga anak.