Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PROUD si Bela Padilla sa kinalabasan ng music video na ginawa niya na si Ivana Alawi ang bida sa kantang “Paraluman” ng singer na si Adie Garcia. Si Bela pa ang naging direktor ni Ivana. Hindi man kahabaan ang mga aktingan eksena ni Ivana sa naturang video ay hindi pa rin ito nakaligtas sa mga bashers.
Isa sa nag-bash ay nagkomento ng “LOL. Ivana. In acting?” Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Bela ang naturang komento na tila kinukuwestiyon at tinatawanan ang akting ng kanyang bidang babae sa music video. Agad naman itong sinagot ni Bela sa pagsasabing “What’s funny?”
Maging ang iba pang followers ni Ivana ay to the rescue sa kanilang idolo.
“I don’t see the reason behind people being like this to Ivana. Wala naman ginawa or nega issue yung tao pero palaging tagged as cheap, di marunong umarte, baduy.
“I wonder what these people look like in person and act like in real life. Ang taas ng standards nakakahiya naman sa kanila.”
“I used to think of her din as cheap before kahit alam ko na she’s rich since parati sinasabi yan. Pero I see how she feels for everyone sa mga vlogs niya and she’s maybe crass but she’s a real softie deep down. She also becomes emotional very easily pag naaawa siya and wala din siyang issue with other people. I prefer her being family oriented and helpful sa ibang tao kesa sa ibang youtubers na waley ka talaga makukuha.”
***
BUKOD sa mga kasamahan ni Julie Anne San Jose sa nagtapos na seryeng nilang “Heartful Cafe” with David Licauco ay aminado rin ang aktres/singer na kasama rin sa mami-miss niya ay ang masayang samahan nila ng tsinitong aktor habang nasa taping sila.
“Oo naman. David and I got to know each other better during the taping and it’s a great experience working with him, also with our amazing writers, directors and the entire creative team.
“I am so thankful sa lahat ng mga nakasama ko sa show dahil pinaghirapan namin ang buong process of doing this. Sobrang saya naming lahat sa set. We treated each other as a family so I will miss them all,” say ni Julie Anne.
May tsikang dahilan sa napakagandang suporta ng mga televiewers sa kanilang teleserye ay nais bigyan ng book 2 ang “Heartful Cafe”.
Okey lang kaya kay Julie na ang follow up serye niya sa Siyete ay book 2 ng serye nila ni David?
“Well, sana nga, GMA will grant their request because I really enjoyed doing this show. I’m really so thankful that I did ‘Heartful Cafe’,” dagdag pa ni Julie Anne.