Advertisers

Advertisers

Traffic investigators arestado sa kotong

0 330

Advertisers

Arestado ang isang traffic investigator sa lungsod ng Cebu nang ireklamo ng pangongotong sa isang traffic violator sa MJ Cuenco, Brgy. Caretta.

Kinilala ang inaresto na si Roger Cadutdut, Cebu City Traffic Office Inevstigator sa pamamagitan ng entrapment operation na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-7).

Ayon kay CIDG-7 Director PCol Ireneo Dalogdog, humingi ng tulo sa kanilang tanggapan ang Officer-In-Charge ng CCTO na si Lyntoni Alburo nang inireklamo ang kanyang tauhan ng pangungutong.



Nakuhanan pa umano ng video ang suspek sa mismong sinita nito na motorista na lumabag sa traffic rules.

Kaugnay nito, nanawagan ang CIDG-7 at ang CCTO sa publiko na huwag mag dalawang isip na humingi ng tulong mula sa mga otoridad.