Advertisers

Advertisers

JM Estrella tampok sa ‘El Genio Dela Raza’ bilang batang Rizal

0 466

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PROUD na proud ang 10-year-old child actor na si JM Estrella sa pagganap niya bilang batang Dr. Jose Rizal sa pelikulang El Genio dela Raza (The Genius of The Race).

Ito’y sa direksiyon ni Dave Chicano Cecilio, at tampok din sa pelikula sina Tanya Gomez sa papel na Donya Teodora at Casey Velasco, bilang Olimpia Mercado Rizal. Mapapanood ito worldwide sa halagang Php 350.00 sa Www.ticket2me.net hanggang June 26.



Pahayag ni JM, “Opo proud akong mabigyan ng chance na gumanap bilang batang Rizal, sapagkat si Pepe or Rizal ay isang tanyag na tao sa buong mundo.”

Ito ang second movie ni JM na unang napanood sa OFW, The Movie na tinampukan ni Sylvia Sanchez.

“Bale ang role ko po sa movie na iyon ay anak ni Rafael Rosel,” wika pa ni JM na isang Grade-4 student sa Ligas 1 Elementary School sa Bacoor, Cavite.

Sa kanyang murang edad, ano ang pagkakakilala niya kay Gat Rizal?

Tugon niya, “Isa po siyang matalino, magalang at mapagmahal sa magulang at kapatid. Iniidolo ko po siya sa pagiging matalino at masipag sa pag-aaral.”



Paano niya ide-describe ang pelikula nilang El Genio dela Raza?

Saad ni JM, “Maganda po ang movie, isa itong advocacy film na nababagay sa panahon ngayong pandemic. May-aral na hatid para sa mga batang millennial na dapat hindi nawawala ang magandang asal na sinimulan ng ating pambansang bayaning Jose Rizal at mga ninuno nating mga Filipino.”

Aniya pa, “Ang pelikula pong El Genio De La Raza ay hinggil sa pagkabata ng ating bayani na si Gat Rizal o Pepe. Isa po itong makabuluhang pelikula na dapat panoorin.”

Ang El Genio De La Raza ay handog ng CLIO Multimedia Production na pinangungunahan nina Dave Chicano Cecilio-KDPP, at Emmanuel Calairo-KGOR.

Noong June 19 ay ini-release ang official premiere ng El Genio bilang paggunita sa 160th na kaarawan ng ating pambansang bayaning si Rizal.

Kabilang sa dumalo sa nasabing okasyon sina Sec. Silvestre Bello III, Atty. Lynn Danao-Moreno, Gov. Ramil L. Hernandez, Justin Marc SB. Chipeco, The Philippine Historical Association head-President Ma. Luisa T. Camagay, Jose David Lapuz-KGCR, at si Pres. Rodrigo Roa Duterte.