Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULA sa proyekto ng MMDA, Mowelfund at MMFF, naglunsad sila ng vaccine para sa movie workers kasama na ang mga artista.
Namataan naman na nandun na sa MMDA auditorium ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Alas nuwebe pa nga lang ay talagang pumila na ang KathNiel para mabakunahan laban sa killer virus na Covid.
Ipinakita pa ng KathNiel ang tagumpay na pagpapabakuna sa kanilang socmed. First dose pa nga lang ang naibigay na vaccine sa magdyowa.
Ikinatuwa ng pamunuan ng MMDA at Mowelfund ang ginawa ng couple na paghihikayat ng KathNiel sa netizens.
Paghihikayat na kailangan na nga raw nila magpabakuna para panlaban sa virus. Dahil naman sa impluwensiya ng KathNiel inaasahan na mas lolobo pa ang mga tao na gustong magpabakuna.
Namataan din sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa MMDA na naka-skedyul na nung January pa pero inilunsad na nga ng Mowelfund, MMDA at MMFF ang pagbabakuna para sa mga movie workers para hindi na maghintay nang matagal.
Kahit si Eugene ‘Uge’ Domingo ay nagpabakuna na rin na ikinatuwa ng mga bumubuo ng nag-organisa ng vaccine,
***
JUDAY MAS FEEL MAG-GROCERY KAYSA BUMILI NG MAMAHALING BAGS
NAGING praktikal nga lang daw ang misis ni Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos kaysa magluho.
Carry naman kung gugustuhin ni Juday na bumili ng luxury bags like Hermes.
Pero umiral naman ang pagiging wais ni Juday pagdating sa pagkakagastusan. Mas importante nga kay Juday na mag-grocery na lang kaysa bumili ng mga branded na bags.
Kakayanin naman ni Juday na magkaroon ng mga signature bags pero ‘di na nga inisip ng esmi ni Ryan na magpabogga sa pamamagitan ng pagbili ng bags.
Well, well, well…’Yun na!