Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGBIGAY na ng update si Kris Aquino na umepekto na sa kanya ang bakuna at may antibodies na siya.
“I didn`t post anything kasi yung 1st blood panel ko wasn`t good ( as I said marami kayong problema so my health issues shouldn`t be your concern) and I said I`d give you an update kung may antibodies na ako…so I kept quiet & waited because w/ the vaccine I chose mas matagal ( and I`m assuming it`s also because of all my underlying health issues) so it took me close to 4 weeks to develop Covid-19 antibodies. BUT yes, now I have them,” bahagi ng post ni Kris na binati rin siya ng dalawang anak ng Happy Father`s Day.
Sa naturang post din ay sinabi ni Kris na may pinaghahandaan siya at kailangan maging healthy siya.
“I have 2 commitments with brands I really wanted to work with so I`ll finish those next week…then I`m taking a short sabbatical because may paghahandaan and i won`t be able to give my 100% kung hindi ako healthy.”
Sinabi rin niya sa pagpapatuloy ng kanyang post na hindi niya pinangalanan na pinuntahan niya sa lock-in taping para lang batiin ng happy birthday at para ibigay din ang kanyang regalo at sulat.
Sa ngayon ay naghahanap si Kris ng bagong magiging stepdad ng kanyang mga anak.
“He doesn`t have to be rich or famous, better nga kung hindi siya public figure….basta tama ang value, madasalin, may integridad, matalino at masipag, answered prayer na siya. I`ve achieved all my dreams, it`s now my turn to focus on what really matters- trying for my sons get the father figure they never had.”
***
JOHN LLOYD KASAMA ANG ANAK NA SI ELIAS SA FATHER’S DAY
Sa wakas nakasama na rin ni John Lloyd Cruz ang kanyang anak kay Ellen Adarna na si Elias sa pagdiriwang ng Father`s Day.
Ipinost nga ni Lloydie sa kanyang Instagram ang larawan nilang mag-ama na makikitang nakapasan sa kanya si Elias.
Walang caption na nilagay si Lloydie sa larawan at binigyan lang niya ng credit ang kumuha ng larawan.
Dahil hindi pa marunong gumamit ng cellphone si Elias kaya hindi nito nabati ang ama ng Happy Father`s Day.
Ang mga followers na lang ni Lloydie ang bumati sa kanya at ilan nga sa mga ito ay sina Cristine Reyes, Iza Calzado, Carla Abellana, Ryzza Mae Dizon, Adrian Alandy at Dennis Trillo.
May netizen na nag-comment na nasa Boracay daw ang mag-ama at sinusulit ang mga sandali dahil matagal-tagal din sila hindi nagkikita.
Naibsan ang pagka-miss ni Lloydie kay Elias dahil magkasama sila nag-celebrate ng Father`s Day.
***
PIOLO PASCUAL MAY HINIHINTAY BAGO LUMIPAT NG GMA 7
HANGGANG ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang kung talagang susundan na rin ni Piolo Pascual ang mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN na lumipat na sa GMA 7.
Sa ngayon kasi ay isinusulong ni Papa P, ang tatay niya sa showbiz na si Johnny Manahan para maging National Artist.
Father`s Day message nga ni Piolo kay Mr. M na sinulat niya ang #MrMforNationalArtist at may emoji pa ng victory.
Samantalang totoo kaya ang balita na kapag nasa GMA Artist Center na sina Mr M at Mariole Alberto saka pa lang daw magiging malinaw ang usapan sa paglipat umano ni Papa P sa GMA Network.
Sa ngayon ay nasa America pa raw si Papa P para bisitahin ang kanyang mom na nag-celebrate ng 75th birthday. Sa video ay makikita na nagulat ang mom ni Piolo nang makita siya sa may pintuan ng kanilang bahay. Ayon kay Papa P, talagang sinorpresa niya ang kanyang pinakamamahal na ina.