Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA YouTube channel ng kilalang dermatologist na si Dr. Aivee Teo, sinagot ni Gretchen Barretto ang madalas na nagiging impresyon sa kanya ng mga tao.
Sey ni Dr. Aivee, buong akala ng publiko ay isang extrovert si Gretchen dahil ito iyong tipo ng taong akala moý maingay pero ang totoo ay isa itong napaka-pribadong tao.
Pinatotohanan naman ito ni Gretchen at sinabing ilang tao lang talaga ang lubos na nakakakilala sa kanya maliban sa kanyang partner na si Tony Boy Cojuangco.
Aniya, pinipili raw kasi niya ang bahagi ng buhay niyang gusto niyang i-share sa publiko.
“I choose to show what I want you to know but that doesn’t mean that’s what it is,” aniya.
Pero iyon daw nakikita sa kanya ng balana ay sapat para makapagsabi kung anong klaseng tao siya.
Sey naman ni Dr. Aivee, si Gretchen ang tipo ng kaibigan na hindi mo basta makakalimutan.
Mabuti raw itong kaibigan pero iba rin ito kapag nawalan na ng tiwala.
Aminado rin si Gretchen na medyo mahirap mahuli ang kanyang loob dahil minsan ay moody siya.
Katunayan, sinabi raw ni Tony na mahirap siyang pakisamahan na para sa kanya ay isang compliment.
“I’m difficult to live with and Tony told me ‘You’re difficult to live with.’ I said, ‘Good.’ Difficult is good. That’s what’s gonna set me apart but really I need my own space,” paliwanag niya.
May mga ritwal din daw siyang ginagawa para simulan ang kanyang umaga na positibo.
“You know music is my life. The minute I wake up I have music on. When I go to the toilet I need my music. It’s gotta be relaxing, it’s gotta be a love story, love songs, whatever,” bida niya.
Tungkol naman sa kanyang bashers, keber na raw siya sa mga ito lalo na sa estado ng kanyang buhay ngayon.
“Love or hate, I welcome it all naman,” hirit niya.
Dagdag pa niya, wapakels na rin daw siya sa sasabihin ng mga tao sa bawat desisyon o galaw na gagawin niya.
“We don’t live naman for the approval of people. We don’t live for okay, you know, bashers. That doesn’t bother me anymore. I’m 51,” aniya. “When I was so much younger, yes, they used to because I lived in a world where I felt all that they thought of me or their opinion would matter, but not anymore. I’m 51, I mean you know, really? How can all your opinion just matter?,”dugtong niya.