Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PINAG-usapan at nag-viral ang litrato na pinost ni Aiko Melendez sa kanyang social media account na mistula siyang high school student dahil sa batambatang itsura na naka-tshirt lamang at shorts na maong.
Paano ba na-achieve ni Aiko na magmukhang bagets?
“Nagpapayat kasi po ako and I guess yung hair ko talaga did a ot of… siguro nabawasan ako ng ilang years dahil sa long hair, tapos po, iyon siguro yung weight talaga ang nag-trigger para… nakakahiya naman na galing sa akin na nagmukha akong bata”, at tumawa ang aktres.
Nagpapasalamat daw si Aiko sa mga pumuri sa naturang larawan niya.
Bagong pinasok na negosyo ni Aiko ang online shopping site na pingmeup.store.
May mga ganitong online stores na nauna at malalakas na at milyun-milyon na ang ginagastos sa promo, kaya paano makikipag-compete ang pingmeup.store ni Aiko sa mga existing online shopping app na ito?
“Siguro ang edge ko kasi marami akong mga media na kaibigan na katulad nyo na tutulungan ako,” nakangiting wika ni Aiko.
“Na siguro yung mga big companies yung mga tina-tap nila agad na maghe-help sa kanila na PR is big time agad, ako talaga yung showbiz press na kung saan lumaki ako, alam ko, confident ako na tutulungan nyo ako para maging sikat din ang aking website.
“Kaya iyon ang panlaban ko sa iba na wala sila.”
Sa ngayon ay inaayos na ang mismong app ng online store in Aiko.
“For now, kasi mas easy to maintain yung website, so website muna po kami and then eventually kapag nag-pick up na po ang aming website, we’ll venture into an app.”
Ang boyfriend ba niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun ang katuwang niya sa pingmeup.store?
“Siya ang boss ko po,” at tumawa si Aiko.
“Actually idea ko siya, so nung nag-brainstorm ako sa kanya, pinitch ko yung idea sa kanya, nung una kontra pa siya. Sabi niya, ‘Ano yan, ang lalabanan mo ang laki-laking ano.’
“Sabi ko, ‘Wala ka bang tiwala sa akin?
“Sabi niya, ‘Sige, sige, sige! Basta galingan mo na lang, galingan mo na lang.’
“Ayun, napa-oo ko siya. Siya ang boss ko dun.”
Natanong naman si Vice-Governor Jay na kasama ni Aiko sa Zoom interview kung paano siya nakumbinsi na pasukin nila ang online shopping business.
“Magaling magkumbinsi ito, malambing,” nakangiting sagot ni VG Jay.
Tulad nga ng sinabi ni Aiko, halos lahat ay maaaring mabili o order-in sa pingmeup.store.
“Anything that you need for your home, shoes, clothing, makeup.”
***
SASABAK na sa kanilang unang teleserye bilang magka-loveteam sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi para sa upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.
Kabilang sina Kyline at Mavy sa cast na dumalo sa storycon ng programaExcited na ang dalawa sa kanilang pagtatambalan na serye at sa mga makakatrabaho nila sa magiging lock in taping sa Sorsogon.
Samantala, matunog ngayon sa social media ang usaping nagkakamabutihan na sina Mavy at Kyline.
Sa Instagram story ni Mavy nitong Lunes ay may binahagi siyang eksena mula sa bagong music video ni Darren Espanto na makikitang nakangiti si Kyline at may caption na “Tama na. Akin na muna siya.”
Mas umingay pa ang usap-usapan nang i-post ni Mavy ang larawan ng isang mystery girl na nakangiti at labas ang dimples, “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.”
Dahil sa post ng binata, bumuhos ang panunukso mula sa kanyang fellow celebrities tulad nina Rayver Cruz, Rita Daniela, Andre Paras, Juancho Trivino, at pati na ang kapatid niyang si Cassy Legaspi.
Matatandaan na sa isang previous interview ay nabanggit ni Mavy na nais niyang makatrabaho si Kyline sa kanyang first teleserye.
***
NGAYONG Sabado ng gabi, June 26, panoorin ang episode ng Magpakailanman sa GMA na pinamagatang “Batang Madrasta”.
Pinagbibidahan ito nina Angela Alarcon bilang Leila at Gardo Versoza bilang Dan, tampok din sa naturang episode sina Prince Clemente, Erin Ocampo and Jenine Desiderio.
Ito ay sa direksyon ni Rechie Del Carmen, sa pananaliksik ni Stanley Pabilona at sa panulat ni Benson Logronio.
Sa kuwento, disiotso anyos lamang si Leila na isang Papa’s girl. Kaya naman nang makulong ang kanyang ama at nag-asawa ng iba ang kanyang ina ay hindi niya ito matanggap.
Lumaking rebelde si Leila at maagang nakipagrelasyon, nguni’t iniwan din siya ng kasintahan at ipinagpalit sa ibang babae.
At sa panahon ng kanyang kalungkutan, nakilala niya si Dan na edad singkuwenta na hiwalay sa asawa at may dalawang anak. Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay umibig si Leila kay Dan.
At dahil nabuntis siya ni Dan ay nagsama na sila sa iisang bubong.
Hindi niya inasahan na haharap siya sa isang kumplikadong buhay bilang madrasta ng mga anak ni Dan na mas matatanda pa sa kanya.
Hanggang kailan at hanggang saan kakayanin ni Leila ang pagsubok ng bagong buhay na pinasok niya?
Hanggang kailan niya ipaglalaban ang sarili upang mahalin ng mga anak ni Dan; hanggang saan siya dadalhin ng pag-ibig ni Dan sa kanya?