Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SI Xian Lim na nga ang bagong Kapuso star.
May sitsit na gagawa ito ng serye sa GMA7 katambal si Jennylyn Mercado.
Matagal-tagal na rin kasi na wala sa Star Magic si Xian at nasa pangangalaga na ng Viva.
Ang Viva na nga ang humahawak ng karera ni Xian kaya hindi naman ito mapupukulan na walang utang na loob.
Last March ay napapanuod na si Xian sa TV5 under Viva management.
Sabi nga ng netizens, naunahan pa raw ni Xian na makagawa ng serye si John Lloyd sa GMA-7.
Hudyat na kaya ito para mahikayat ni Xian ang gf na si Kim Chiu na lumipat na rin ng network?
Pero matigas ang paninindigan ni Kim na never nitong iiwan ang ABS-CBN network na nagpasikat sa kanya.
***
IDEYA ni Willie Revillame na mag-guest sa Wowowin si John Lloyd Cruz.
Matunog na nga ang pagsasama ng dalawa sa isang comedy show kaso tila nalusaw ito.
Bulungan naman kasi na tila nag-back out na si Willie sa ideya nito na magsama sila ng nagbabalik na actor na si Lloydie sa isang comedy show at balak pa nitong i-prodyus.
Tila wala na nga raw katuparan na magsama sa isang TV show sina Willie at Lloydie.
Ayon sa mga sitsit ay may tampo nga raw si Willie kay John Lloyd sa pagkakaudlot ng pagsasama nila sa show.
Dagdag sitsit pa ay tila ang GMA-7 na ang solong magpro-prodyus ng comeback ni Lloydie na isa ngang sitcom.
Meaning, minus Willie na kaya marami ang nanghinayang sa pagkaudlot ng pagsasama ng dalawa.
Well, well, well…’Yun na!