Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SOBRANG kaligayahan ang naramdaman ng versatile na singer/songwriter na si Gari Escobar sa dalawang nominasyon na nakuha niya sa darating na 12th Star Awards for Music ng PMPC.
Nominado si Gari para sa Novelty Song Of The Year at Novelty Artist Of The Year para sa kantang Hanggang Andito Pa na mula sa Ivory Music and Video Inc.
Saad niya, “Tuwang-tuwa po ako at nae-excite na naman, nakaka-inspire kapag napapansin ang gawa mo, di ba kuya? Kaya sobrang thankful po ako sa PMPC.”
Ito ang second time na na-nominate si Gari sa Star Awards for Music. Una ay noong 2019 bilang Best New Male Recording Artist of the Year, na napanalunan niya.
Sa Aliw Awards naman, kinilala ang kakayahan ni Gari sa larangan ng musika nang siya ay parangalan bilang Breakthrough Artist of the Year noong December 2020. Na-nominate rin siya rito bilang Best Pop Artist.
“Yes po kuya, second time kong ma-nominate sa PMPC Star Awards and this time, sa dalawang category, as an artist and sa song yung isa. Hindi ko ito ine-expect kaya ang saya ko talaga, siguro lalo na kapag nanalo pa, baka mapalundag ako. Hahaha!” Nakatawang saad pa niya.
Dagdag pa ni Gari, “Kaya excited talaga ako… lalo akong gaganahan nito sa pagkanta at paglikha ng mga musika. Iba kasi yung first time at parang mas sobrang exciting ang pangalawa dahil validation ito sa nauna mong panalo, di ba kuya?”
Si Gari ay may kakaibang passion sa musika. Marami na siyang na-compose na kanta, na karamihan ay base mismo sa kanyang mga personal na karanasan sa buhay.
Kilala si Gari na isang fan at supporter ng OPM o ng Original Pilipino Music.
Bata pa lang ay hilig na niya ang pagkanta. Madalas siyang pinakakanta ng kanilang teacher sa loob ng classroom o kapag recess at lalo na kapag may program sa kanilang school.
Naranasan din niya ang sumali sa mga amateur singing contest. Una ay nang Grade-6 siya sa St. Anthony School. Second Place ang pinakamataas na award niya sa pagsabak sa mga singing contests.
Si Gari ay isang licensed real estate broker na noong 1990’s ay isa sa top brokers ng Moldex Realty at every month ay tumatanggap ng recognition. Sa ngayon, maunlad ang kanyang food supplement business.
Abangan si Gari dahil malapit nang magsimula ang pagiging active niya sa YouTube. “Last year kasi FB live lang, ‘di ba? This time, its YouTube linked sa FB,” masayang sambit pa niya.