Advertisers

Advertisers

NPA gamit ang mga “child warriors” at APM sa bakbakan sa Surigao

0 553

Advertisers

PATULOY ang paggamit ng New People’s Army (NPA) sa mga “child warriors” at anti-personel mines (APM) na pawang ipinagbabawal ng International Humanitarian Law.

Ito ay pinatunayang muli ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos matanggap ang ulat ng dalawang sagupqan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang-komunista sa Agusan Del Sur at Surigao del Sur kamakailan lamang, na nagresulta sa pagkakahuli ng isang batang babae at pagkamatay ng tatlong miyembro ng NPA matapos ang labanan na nakakumpiska din ng mga baril, pampasabog at mga gamit para makagawa ng APM.

“Todo kasinungalingan, dahil napakabilis pinihit ng NPA ang pangyayari, na ang mga napatay ay mga magsasaka lamang at isang kabataan na mag-aaral, upang maitago nila ang katotohanan na dumudukot sila ng ating mga kabataan upang gawing “child warriors” sa kanilang paghahangad na maagaw ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ito po ay isang babala, huwag po kayong padadala sa black propaganda. Ang pangalawang enkwentro kung saan napatay ang tatlong miyembro ng NPA ay dahil sa mga impormasyong ibinigay ng batang babaeng nahuli sa unang labanan sa Agusan,” ang sabi ng NTF-ELCAC sa kalatas na ipinamahigi nito sa media.



Ang unang sagupaan ayon kay Lieutenant Colonel Benedict Harvey Gernale, commander ng 3rd Army Special Forces Battalion, naganap ang bakbakan sa Barangay Mabuhay, sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur noong Lunes (June 14, 2021) kung saan nagsasagawa ng combat operations ang mga militar nang makasagupa nila ang mga tinatayang nasa sampung miyembro ng komunistang-terorista na nakipag-palitan ng putok sa kanila.

Wala namang namatay sa magkabilang panig, subalit nagresulta sa pagkakahuli sa isang menor de edad na babaeng NPA na kinilala lamang sa alias na “Cindy” at pagkakarekober ng sampung backpacks, tatlong cellular phone at mga gamit sa paggawa ng APM.

Ang narescue na si Cindy ay naiturned-over na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Prosperidad.

Sa paglalahad ni Cindy ng mga lugar na pinamumugaran ng mga dumukot sa kanyang NPA, isa pang Army Special Forces ang ipinadala kinabukasan (June 15, 2021) sa Sitio New Decoy, Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Ngunit bigla silang pinaputukan ng mga NPA sa kanilang pagdating sa lugar at nagpasabog pa ang mga ito ng isang APM sa tinatayang sampung-minuto na palitan ng mga putok.



” Sa kabila ng masukal na kagubatan at bulubundukin na lugar, na may panganib pa sa mga sniper ng kalaban, tinugis pa rin ng ating mga kawal ang patakas na nga NPA,” ang paliwanag ni Gernale.

Tatlong teroristang-komunista, isang lalaki at dalawang babae, kabilang ang isa ding menor de edad pa lamang, habang wala namang sugatan sa parte ng mga sundalo.

Kinilala ang mga napaslang bilang sila Lenie Perez Rivas, 38; Willy Salinas Rodriguez, 20, at isang 12 taong gulang. Ang mga ito ay miyembro ng Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.

Kinundina naman ni Brigadier General Allan Hambala, commander ng 401st Brigade, ang paggamit sa mga kabataan bilang combatant ng NPA.

“Ang insidenteng ito ang magpapatunay na walang halaga sa mga NPA ang karapatang pangtao at lantaran nilang nilalabag ang International Humanitarian Law sa pangdurukot at panghihimok ng mga kabataan na sumanib sa kanilang walang halagang pakikibaka,” ang sabi ni Hambala.

Narekober din at nakumpiska ang ilan na mga baril, tatlong (3) APM at mga kasangkapan sa paggawa nito, isang AK47 assault rifle, dalawang cal.45 na pistola, dalawang bandolier para sa AK47, isang claymore mine, dalawang blasting cap, apat na magazine ng bala para sa AK47 at apat pa para naman sa M-16 rifle, 25 metro ng electic wire, 25 metrong detonating cord, isang firing device at dalawang back packs.

Ang mga bangkay ng NPA ay dinala naman ng mga tropa ng pamahalaan sa Sitio Manluy-a na sakop din ng Lianga.