Advertisers

Advertisers

P1.3b pekeng yosi at sangkap nasamsan sa Pampanga

0 241

Advertisers

TINATAYANG nagkakahalaga ng P1.3 billion ng mga pekeng sigarilyo at mga sangkap sa paggawa ang nasamsam sa operasyon sa Mabalacat, Pampanga.

Kinilala ang mga nadakip na sina Danny Martizano, 48, ng St. Paul Dist., Bisug, Surigao Del Sur; Richie Alminion, 34, ng Bgy. Malbug, Cawayan, Masbate; Sammy Molina, 44, San Macario Norte, Natividad, Pangasinan; Ryan Tilanduca, 24, ng Bgy. Bangcud, Malaybalay, Bukidnon at Efren Tacomto , 46, ng Marcos Village, Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Brig. General ValerianoT. De Leon, regional director PRO3, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na elememto ng CIDG Pampanga PFU, Mabalacat Police Station, representatives mula sa JTI, PMFTC, IP Manila at DOST TRC 3, sa Warehouse No. SFB 9706 na matatagpuan sa DOST Compound, Barangay Paralayunan, Mabalacat City, base sa ipinalabas na mission order ng Bureau of Internal Revenue.



Kinumpiska ng mga otodidad ang isang kulay green Isuzu wing van truck (IO 3955) na naglalaman ng dried Tobacco; 1 puting Hyundai H100 utility vehicle na naglalaman ng 22 boxes at 26 reams ng Yunyan Cigarettes; 14 boxes ng Shuangxi Cigarettes; 4 boxes ng Chunghua Cigarettes,13 boxes, 19 reams at 9 packs ng Gold Line Cigarettes; 72 Nangjing Cigarettes; 8 reams ng Jinsiye Cigarettes; 19 reams at 3 packs ng Black Pearl Cigarettes; 4) boxes ng Marlboro red at 35 reams ng Titanium Cigarettes na nagkakahalaga ng P300 million.

Kabilang ang mga nadakip sa grupo ng Wendel Criminal Group na sangkot sa distribution ng mga peke at smuggled na sigarilyo sa Central Luzon.

Sa Follow up operation na isinagawa sa Blk 22 Lot 9, Global Aseana Park 1, San Simon, Pampanga, nasamsam ng mga otoridad ang 147,000 piraso ng invalid BIR stamps na kulay green; 1,470,000 piraso ng invalid BIR stamps kulay light blue; 12 cigarette packer machine; 2 cigarette maker machine; 10 boxes ng Back Film and Label; 1000 rolls ng cigarette paper; 35 rolls ng tipping paper; 46 rolls ng cigarette foil; 48,000 pcs ng Cigarette Filter; 4 boxes ng cigarette paper.; 36 boxes ng soft label (jackpot) iba’t ibang brands ng cigarettes at raw materials na nagkakahalaga ng P1 billion. (Mark Obleada)