Advertisers
TODAS ang dalawang tulak nang magkaputukan sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bocaue, Bulacan.
Kinilala ang mga napatay na sina Roderick San Pedro, 36, vendor; at Hesus San Roque, 43, vulcanizer; kapwa nasa PNP-PDEA watchlist at residente ng Barangay Lolomboy.
Sa report ng Bocaue Police, ikinasa ang operasyon 5:00 ng madaling araw noong Biyernes, June 25, sa Bgy. Bunlo.
Nakuha sa operasyon ang 15 piraso ng plastic sachet ng shabu kabilang ang buy-bust item na may timbang na 8 gramo na tinatayang P54,400 ang halaga; dalawang cal.38, Honda TMX, at buy-bust money.