Advertisers
MAGKASUNOD na pumanaw ang dalawang mabuting tao sa aming hamak na buhay: Ang aking ama noong Miyerkoles ng gabi at si dating Pangulo Noynoy Aquino noong Huwebes ng umaga. Halos 12 oras lamang ang pagitan ng kanilang kamatayan. Madali namin natanggap ng pamilya ang kamatayan ng aming ama. Boundary na siya sa edad na 91 anyos noong namatay.
Pero hindi namin akalain na namatay si P-Noy sa edad na 61 anyos. Sana tumagal siya ng ilang taon sa mundo, ito ang aming naisip. Isa siyang moral leader at, dahil sa kanyang maayos na pamumuno, huwaran siya ng sinuman na hahawak ng timon ng ating bansa. Sobrang malaki ang iniwan na size ng sapatos ni P-Noy. Mabuhay ang alaala ni P-Noy.
Dalawang hagupit ang inabot namin sa dalawang araw. May kasabihan na kung umuulan ay bumabaha. Ito ang nangyari sa amin.. Pagpalain naman ng Panginoon ang ating bansa na nangangailangan ng matinong pamumuno.
*
PALAISIPAN sa amin kung bakit inimbitahan ni Bise Presidente Leni Robredo si Isko Moreno at Mane Pacquiao upang sumapi sa hanay ng puwersang demokratiko ng bansa. Sa kaalaman ng Bise Presidente, walang hatak o dating ang dalawa sa hanay ng puwersang demokratiko. Pareho silang hindi pinagkakatiwalaan. Isa itong malaking kalokohan dahil parehong walang silbi at patapon ang kanyang inaanyayahan sa pagpapalakas ng hanay ng oposisyon.
Sapagkat galing sa showbiz si Isko, kinakatawan niya ang kulturang bangag o pakawala. Mahina ang moog ng mga halagain (values), malata ang paninindigan sa simulain ng demokrasya, malapit sa tukso ng oportunismo, at walang ipinakita na magagawa upang palakasin ang demokrasya sa bansa. Hindi nalalayo si Isko sa mga pulitiko na galing ng showbiz – mahina ang kukote sa mga usapin ng bansa at oportunista. Hindi siya nalalayo kay Erap Estrada at anak na si Jinggoy at Bong Revilla.
Nabisto ang kahinaan ng ulo ni Isko nang kapanayamin siya sa isang pagtitipon na online ng mga alumni ng Ateneo University. Hindi namin alam kung naiintindihan ni Isko ang kanyang insal sa pagtitipon. Tinanong kasi siya ng mga taga-Ateneo kung ano ang pagkakaintindi niya sa “healing presidency,” o panguluhan ng paghihilom. Sa maikli, tinanong siya kung ipakukulong si Rodrigo Duterte at mga kampon sa sandaling wala na sila sa poder at siya ang mahalal na pangulo sa 2022.
Pinagtawanan si Isko na sabihin na ang intindi niya sa healing presidency ay pagpapatawad at hindi pagsasampa ng kaso laban kay Duterte at mga kasapakat. Hindi niya ipakukulong si Duterte kahit libu-libo ang nabalitang ipinapatay niya sa ilalim ng madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Kahit ipinagkanulo ang Filipinas sa China. Samakatuwid, hindi nauunawaan ni Isko na ang lumang kaisipan na ang nababatay ang pagpapatawad sa katarungan. Mukhang maikli ang unawa niya sa healing presidency.
Hindi namin alam kung batid ni Leni na hindi ang mga tulad ni Isko ang tatanggapin ng puwersang demokratiko ng bansa. Hindi pinalalawak ang hanay ng puwersang demokratiko kung ang mga iniimbita ay kung sino-sino lalo na ang taong salat at mababaw ang unawa sa demokrasya. Hindi katanggap-tanggap si Isko sa hanay ng oposisyon kung batid lang ng Bise Presidente na mukhang hindi pinag-isipan ang imbitasyon.
Hindi katanggap-tanggap si Mane bilang alagad ng demokrasya sa bansa. Walang batayan upang paniwalaan na nananalig ang boksingero na naging pulitiko sa simulain ng demokrasya. Sa totoo, sinuportahan ni Mane ang madugo ngunit nabigong giyera kontra droga lalo na ang libo-libong patayan, o mga EJK. Sinuportahan ni Mane ang pagpapatalsik kay Leila de Lima bilang hepe ng komite ng katarungan sa Senado.
Wala kaming alam na tinayuan na usapin ni Mane upang patunayan niya na alagad siya ng demokrasya. Palaging palpak si Mane sa maraming usapin. Kulang sa aral si Mane. Dahil sa boksing, kinilala siya bilang isa sa mga mambabatas na may maraming pagliban sa sesyon ng Kongreso. Hindi siya epektibong mambabatas, sa totoo lang.
Mas maigi na harapin ng Bise Presidente ang sariling bakuran bago mangumbida ng kung sino sino na sumapi sa hanay ng oposisyon. Magdesisyon kung tatakbo o hindi sa panguluhan sa halalan sa 2022. Hanggang ngayon nakabitin sa dilim ang mga panatikong tagasuporta niya. Pawang mga nangangapa sa dilim dahil hindi malaman sa hinagap kung tatakbo o hindi ang kanilang idolo. Hindi kami sang-ayon sa ganitong tayo dahil wala kaming nakikitang pakiramdam sa kanila.
Dapat malaman ni Leni na pinahihina niya ang 1Sambayan sa kanyang imbitasyon sa dalawang patapon na pulitiko. Kaya naitayo ang 1Sambayan dahil hindi siya makapagdesisyon kung tatakbo o hindi sa 2022. Hindi alam ni Leni na ipinagkakanulo ang puwersa ng demokrasya na pawang katangggap-tanggap sa oposisyon. Maalala na unang kumalas sa proseso ng 1Sambayan si Isko at hindi tinanggap si Mane sa proseso dahil sa kanyang record.
***
ISA si Sahid Sinsuat Glang sa mga hinahangaan naming na netizen. May isinulat siya tungkol sa panukalang batas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport. Pakibasa:
Changing the name of Ninoy Aquino International Airport to a mere infrastructural nomenclature trivializes our sense of national pride and our defining moment as Filipinos. It was at the tarmac of this airport that Ninoy Aquino was shot dead treacherously by the minions of the dictator, Marcos, on that fateful day of August 21, 1983 on his return to his motherland after three years of exile in the US on a mission to peacefully restore democracy in his country. The shot reverberated across the nation and the world and sparked massive protests that led to the downfall of the brutal and corrupt Marcos dictatorship. Nobody can ever take this powerful and inspiring symbolism from Ninoy Aquino. The airport stands as a lasting witness to that earthshaking political murder in broad daylight. NAIA captures our national soul and Ninoy’s spirit of resistance and courage that spilled over to millions of his countrymen. Ninoy is an icon of democracy. The international airport is the world’s door to the Philippines and the Philippines’ window to the world. Remove Ninoy’s name from it and the airport is nothing but just pieces of cement, glasses and steels that were assembled into an architectural design. Retain Ninoy’s name and it will provide a meaningful symbol and give it a historical context. The very name of Ninoy Aquino represents the conscience of the Filipino nation. People who sacrifice history for political expediency can never appreciate the heroism of Ninoy because it is anathema to their selfish ambitions. NAIA sends a message to visitors that the Philippines is a pillar of democracy which is the product of Filipino resistance to tyranny. The history of liberty is always a history of resistance. As Winston Churchill, Britain’s greatest prime minister, said, “A nation without a conscience is a nation without a soul. A nation without a soul is a nation that cannot live.”
Will the Filipinos allow themselves to be relegated to a nation without a conscience and a soul? That seems to be what the authors of the bill to rename NAIA-Deputy Speaker Paolo Duterte and his cohort in Congress- Rep. Lord Allan Velasco want the Filipinos to become.
***
Email:bootsfra@yahoo.com