Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NATANONG si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun kung ano ang mga payo niya kay Aiko Melendez ngayong muling sasabak sa pulitika ang kanyang girlfriend bilang Congresswoman ng ikalimang distrito ng Quezon City.
“Siyempre medyo ano na rin siya, sanay din naman po siya diyan dahil with her experience for nine years naging councilor siya siguro ina-update ko na lang siya siguro sa mga issues na nangyayari ngayon, lalung-lalo na yung, siyempre through time nagkakaroon ng changes ng terrain ng politics so siyempre ako ina-advise-an ko siya.
“Pero she has her own mind, e. She has her own mind, she has her own decision, she’s very independent so sabi ko lang sa kanya lahat ng desisyon niya manggagaling sa puso at tsaka yung tulong sa tao importante.
“Huwag niyang kakalimutan yung mga tao, kailangan tutulong siya, hindi siya nandiyan katulad ng ibang mga pulitiko na nandiyan dahil gusto lang ng posisyon.
“Siyempre kailangang maging responsable siya lalung-lalo na sa buhay ng mga tao,” pahayag ni Vice-governor Jay.
***
GARDO VERSOZA LALAKING WALANG PAHINGA
SI Gardo Versoza ang “lalaking walang pahinga”!
Hindi kasi siya tumatanggi sa trabaho, kaya kesehodang sunud-sunod ang projects niya, okay lang sa kanya kahit hindi na siya nakakapag-relax at nakakapagbakasyon.
“Yung chill-chill anytime naman yan e, kumbaga hindi naman umaalis yan, e.
“Yang mga bakasyon, pahinga, kahit ano’ng oras, andiyan lang naman yan.”
Tapos na ang lock-in taping nila ng First Yaya na finale week na ngayon, magtatapos ito sa Biyernes, July 3.
Sumegue na agad si Gardo sa taping ng bagong Magpakailanman episode na ipinalabas last Saturday, yung Batang Madrasta with Angela Alarcon.
At in between, siyempre, tuloy ang Tiktok videos ni Gardo, tuloy ang kembot at paghataw niya sa sayaw.
“Tira lang nang tira habang kaya pa ng balakang,” tumatawang sinabi pa ni Gardo.
Bata pa rin ang itsura at kilos ni Gardo; marami nga ang humahanga sa paghataw niya sa sayaw at sa malambot na katawan niya kapag nagsasayaw sa mga Tiktok videos niya.
“Naku, kumbaga sa kahoy, lawanit na e, dati kamagong, lawanit na,” tumatawa pa ring sinabi ni Gardo.
“Nararamdaman ko na sa bewang!”
***
- MANNY CALAYAN MAN OF THE YEAR AWARDEE
“HAPPY, siyempre, at nagulat ako,” bulalas ng kaibigan naming beauty doctor na si Dr. Manny Calayan sa dalawang awards na natanggap niya nitong Sabado ng gabi, June 26 sa 4th Asia Pacific Luminare Awards night na ginanap sa Okada Manila.
Pinarangalan si Dr. Calayan bilang Man of the Year awardee at Best Cosmetic Surgeon.
Ilan pa sa mga awardess ay sina First Yaya star Joaquin Domagoso bilang Most Impressive Teen Actor of the Year; ang kaibigan din naming talent manager na si Noel Ferrer bilang Outstanding and Influential Multi-Media Personality; Snooky Serna bilang Philippines’ Favorite Actress of the Year; si Rocco Nacino bilang Most Inspiring and Standout Actor of the Year, Wendell Ramos bilang Most Empowered Actor of the Year; Robin Padilla bilang Philippines’ Most Inspiring Showbiz Icon of the Year; Arthur Solinap bilang Most Inspiring and Dedicated Actor of the Year at ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor bilang The Hall of Famer of Philippine Cinema, at marami pang iba.