Advertisers

Advertisers

Kris binago ang lyrics ng kanta ni Moira para kay Kuya Noy

0 218

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TAUS sa puso ang pakikiramay ni Sharon Cuneta sa pamilya ng yumaong dating Presidente ng  bansa na si PNoy.

Sa mensahe ng pakikiramay na ipinost ng movie icon na si Sharon sa kanyang socmed, itinag pa nga niya ang mga kaibigan kasama na si Kris Aquino.



Marami ang nag-like at comment na kanyang mga kaibigan at followers sa kanyang post.

Pero may isang netizen ang nambasag sa kanyang pakikiramay sa Pamilya Aquino.

At walang preno na sinabi ng netizen na nakisawsaw at kaplastikan lang daw ang pakikiramay ni Megastar.

Eh kung bakit nasabi ng netizen ang salitang plastik kay Sharon dahil sa message nito ng pakikiramay ay may aso rin umano na post kaya nasabihang plastic ang aktres.

Mas pinuri pa ng netizen ang pakikiramay ng anak ni Megastar na si Frankie sa pamilya Aquino.



Resbak naman ni Sharon na late na niya nalaman dahil nga nasa Amerika ito at ‘di naman daw nito nalaman kay Kiko at kahit si Frankie ay recently lang daw nalaman.

Kaya nga raw walang pag-usad ang bansa dahil daw sa ganyang ugali ayon pa kay Shawie.

Naghingi naman ng sorry ang netizen pero talaga raw napaplastikan ito na binuweltahan naman ng followers ni Sharon ang basher na tigilan na ang kanilang idolo.

***

BAGO pa man ihatid sa huling hantungan si PNoy (June 26, 2021) ay naging emosyonal naman ang araw na ‘yun para sa lahat lalo na sa pamilya Aquino.

At dahil nga music lover ang Kuya Noy ni Kris Aquino kaya ang daming nag-alay ng kanta sa namayapang dating Pangulo ng bansa.

At sa awitin naman ni Moira Dela Torre na Paubaya ay agad naman binago ni Kris ang letra mito katulong ang asawa ng una.

May 10 minutes lang ay natapos na agad ni Moira na baguhin ang mga letra ng nasabing kanta.

Kaya bumilib naman si Kris dahil ang ganda ng mga titik na ipinalit sa Paubaya na alay kay PNoy na inihatid na sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park (Sucat).

Well, well, well…’Yun na!