Advertisers

Advertisers

Sharon tinawag na plastic sa pakikidalamhati sa pagyao ni PNoy; Xian plano ring pasukin ang pulitika

0 391

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa mga artista natin si Sharon Cuneta na kahit nasa ibang bansa, ang agad na nag-post ng kanyang pakikidalamhati sa pagyao ng dating presidente ng bansa na si PNoy. Sa kanyang social media account ay nagpost si Sharon,

“Rest well in God’s loving arms, PNoy…Gone too soon…” say ni Megastar sa kanyang Instagram.



Tila pati ang pakikipagdalamhati ni Mega ay hindi pinalagpas ng kanyang bashers. Pero hindi naman ito hinayaan lang ni Sharon, madiin niya rin itong kinondena.

Netizen: “Isa ka pa, nag post ka ng pakikiramay kanina then nag POST ka ng iba ( sorry, ciempre love for dogs are never easy) i trusted you! Plastic ka pala nung naramdaman mo ung overwhelming love kay Noynoy bigla ka ng post ng ganito?”

Sharon: Hindi ko pa alam na namatay si PNoy nung nagpost ako about the dog rescue, okay? Nasa Amerika ako mag-isip ka muna di judgmental agad. Daming masama talaga ugali sa Pilipinas kaya hirap umusad eh.”

And speaking of ibang bansa, matagal-tagal na rin naman  nawala sa bansa si Ate Shawie simula pa noong Abril at hanggang ngayon ay nasa States pa rin siya. At tila enjoy na enjoy si Megastar sa pamamalagi niya sa naturang bansa. Makikita sa kanyang YouTube blog ang ilan sa mga ginagawa ni Sharon bilang isang ‘normal’ na mamamayan tulad ng paglakad-lakad sa mall, kumain sa mga restawran and drive around her neighborhood in Los Angeles, California.

“Maaaring sa inyo no big deal, sa akin po, ito ang paborito ko, ‘yung nagagawa ko ‘yung lahat ng normal na bagay na tine-take niyo for granted,” sey pa ni Sharon.



***

PARA kay Xian Lim hindi niya itinatago ang posibilidad na pasukin ang mundo ng politics. Mas lalong naging malakas ang pagnanais ni Xian na maging isang politician nang gawin niya ang biopic ni Manila Mayor Isko Moreno, ang “Yorme: The Musical”.

Naging inspirasyon ni Xian ang buhay na pinagdaanan ni Yorme, mula sa pagiging basurero ay sumikat na artista at ngayon ay isang maaasahang politician.

Naging positibo nga ang tugon ni Xian nang tanungin kung may pangarap din ba siyang maging isang politician at sundan ang yapak ni Yorme na maging isang alkalde balang araw.

“Sana. Kung mabibigyan po ng pagkakataon, hindi ba? Ang saya po noon. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito is the ability to inspire and change,” ani Lim.