Advertisers

Advertisers

Sue, JC, at JC magpapakilig sa ‘Boyfriend No.13’ na streaming na sa We TV sa July 2

0 345

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SINO kaya sa parehong JC na sina JC De Vera na gaganap sa character ni Don Lee at Bob Domiguez (JC Santos) ang magiging boyfriend ni Sue Ramirez bilang Kimverly Santillan sa super kilig na original digital series na “BOYFRIEND NO.13” na produced ng APT Productions na mapapanood na this July 2 (Friday) sa WE TV?

Hindi lang kilig ang hatid nito kundi may aliw factor ang said series na dinirek ni John “Sweet” Lapus. Samantala, sa virtual mediacon ng BOYFRIEND NO.13, kinuwento ni Sue ang magiging character niya. Siya ay si Kimverly, isang romance novelist na dumedepende o inaasa ang lovelife sa horoscope sa kung sino ang kanyang magiging kapalaran o lalaking mamahalin.



Naniniwala rin siya sa mga pamahiin. At sa totoong buhay ay medyo naniniwala naman si Sue, pero tingin niya ang importante sa lahat lalo pagdating sa buhay pag-ibig ay kung paano niya dalhin ang inyong relasyon.

Kagaya nina JC De Vera at JC Santos na parehong happily married in real life. Pero ang pinakabongga sa lahat ay napagsama ng APT Productions ang tatlo sa pinakamahuhusay nating actor na sina Sue, JC Santos, at JC De Vera. Siguradong makare-relate raw ang marami sa istorya ng BOYFRIEND NO.13 kaya watch niyo ang streaming nito sa WE TV sa July 2 (Biyernes)at 7:00 PM.

***

Newcomer Sexy Actress-Model Angel Arcega Pwedeng Makipagsabayan Sa Mga Viva Babes

Sa ganda, sexy, at flawless ng newcomer na si Angel Arcega na bagong protegee ni Atty. Ferdie Topacio ay pwede itong makipagsabayan sa mga bagong sexy talents ng Viva like AJ Raval and Sunshine Guimary.



Pero mas feel muna ni Angel na mapasabak sa mga comedy movies like sa first project niya with Viva na “Shoot Shoot” na pagbibidahan ni Andrew E at ididirek ni Al Tantay.

Angel is in good hands lalo’t si Atty. Ferdie ang nagpasok sa kanya sa Viva na kilalang kaibigan ni Boss Vic del Rosario. Samantala, nang ma-interview namin si Angel via Zoom ay tinanong namin ito kung ready na ba siyang humarap sa camera at excited na ba siya to shoot?

“Yes po, and talagang excited ako dahil matagal ko nang idol si Andrew E sa pagpapatawa. Kaya pine-prepare ko na po ang sarili ko sa pagpasok ko na ito sa showbiz. Sakaling alukin siya ng sexy movie ay hanggang saan ang limitations ni Angel?

“Okay po sa akin ‘yung magsuot ng bathing suit o bikini at sanay naman ako na mag-wear po ng ganyan dahil matagal na akong model,” pahayag pa ng baguhang sexy star na nasa field o business pala.

Yes, limang branches ang Angel Polish Nail Spa na pag-aari ni Angel na matatagpuan sa Bacoor, Kawit, at Imus, Cavite.

***

Sto. Nino Patron Saint Ng Pinoy Manager Na Si Dondon Mong Na Sikreto Ng Kanyang Tagumpay Sa Personal Na Buhay At Career

Tulad ng ating mga kababayan na gustong hanapin ang kanilang kapalaran abroad, si Dondon Mong na married for 16 years sa foreigner hubby na si Mr. Scott ay nagtungo ng Southern California para mabago ang buhay. Now, aside sa happily married ang kaibigan naming ito na very supportive sa aming Vlog ay siksik liglig ang blessings na tinatanggap hindi lang dahil sa siya ay hardworking person kundi malakas ang faith niya sa kanyang Patron Saint na si Sto. Nino.

“He (Sto. Nino) came to us 2015 and since then blessing is over flowing in so many ways po. He visited me in my dream along with my aunt. Maraming opportunities na dumating kaya nagkaroon kami ng house ni Scott, it’s a small house but we’re living in beautiful area here in California,” say pa ni Dondon na pati ang kanyang beloved Mother na si Mommy Claire ay kanya ng kasama sa Southern California at super love na love niya ito.

Sa kasalukuyan ay Managing Partner sa Senior’s Avenue si Dondon at marami silang mga natutulungan dito. Pet lover pala si Dondon and his partner Mr. Scott na sweet, mapagmahal at very supportive raw.