Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MULA umpisa ng pagsasa ere ng “First Yaya” nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, super high ang ratings nito hanggang sa pagtatapos nito.
At dahil naantala na ng paulit-ulit ang lock-in taping ng “Legal Wives” nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali, na dapat sana papalit sa pagtatapos ng “First Yaya” ay ang serye na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez na “The World Between Us” ang pinalit ng GMA management.
Kaya tsikang sa ngayon palang ay pressured na ang team nina Alden kung mapapantayan man lang nila ang tagumpay ng seryeng papalitan.
“Wala kaming gustong pantayan na ibang shows. And we’re very happy kasi siyempre sa GMA din ang ‘First Yaya’. And we’re very happy that it performed well. We are looking forward, hopefully, sa show na ‘to. All of us are very optimistic about the outcome of this teleserye. We’ll see ‘pag umere na kami,” say ni Alden.
At para sa multimedia actor ay walang kompetisyon among the shows sa Kapuso Network dahil sa lahat naman daw ay pinagbubuhusan ng pagmamahal at effort kada show.
“Actually parang wala sa isip ko to compete with other shows eh. Kung anong meron kami…actually lahat ng shows ng GMA ganun, pinaghihirapan, pinapaganda, para maging appealing sa audience. And yun din ang trabaho namin. Pinapaganda namin ‘tong ‘The World Between Us’ para maging kaaya-aya siyang panuorin,” say pa rin ni Alden.
***
MUKHANG si Faith da Silva ang naba-blind item na isang baguhan na na-inlab sa veteran actor habang nasa lock-in taping.
Sa kasalukuyan ay abalang-abala si Faith sa maituturing niyang biggest break sa showbiz career, ang maging isa sa lead star ng comebacking serye ni Albert Martinez sa Siyete, ang “Las Hermanas” kasama sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Jason Abalos.
Sa isang panayam sa baguhang aktres ay natanong ang posibilidad na maaari siyang ma-inlab sa isang lalakeng di hamak na malaki ang agwat ng edad sa kanya, as in father image na.
“For me, wala din naman kasi akong pakialam sa age. For me age is just a number. Basta mahal ako ng tao, nirerespeto ako, nirerespeto ‘yung pamilya ko, at gusto na mag-grow ako as a person at matutulungan ako na gawin ‘yon, bakit hindi?,” say ni Faith.
Sinabi rin ni Faith ang dahilan kung bakit aprub sa kanya na magkaroon ng relasyon sa isang older guy.
“With older guys kasi mas marami kang matututunan, at saka mature na sila. Alam na nila kung ano ‘yung gusto nila. So I think ‘yun din ang qualities nila na gusto ko,” paliwanag niya.