Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MALAKING impluwensya para sa mga artista ang mga kapwa nila stars na nakapagtapos ng pag-aaral.
Kaya naman si Kathryn Bernardo ay napapaisip na tila gusto nitong magbalik-aral at makapagtapos ng kurso sa college.
Sa pagiging stable na ng buhay at career ni Kathryn, nasa isip pa rin nito ang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Naalala pa ni Kathryn na pagiging make up artist ang gusto na nagtapat sa kanyang vlog kamakailan kasama si Sofia Andres.
Bata pa lang nga raw si Kathryn ng mine-make-apan siya ng misis ni Dominic Ochoa ay sinabi na nito na gusto rin nitong gayahin si Denise Go Ochoa na iniidolo nito.
Bukod sa gusto na maging make-up artist ng gf ni Daniel Padilla ay may dalawang kurso itong pinagpipilian sakaling magtuloy ito sa pag-aaral.
Entertainment business pa rin daw pero nga behind the scene na ang gusto ni Kathryn. Ubra rin nga si Kath na maging isang production staff. Ang napipisil na course ni Kathryn ay Marketing o Communications Art.
***
SA IG post ni Pia Wurtzbach ay ipinakita nito na nabakunahan na rin siya na ipinakita pa sa picture ang vaccination site kung saan naturukan ang beauty queen.
Ginawa ni Pia ang pagpapabakuna para protektado na siya at ‘di lang ang sarili ang isina-alang alang kundi buong pamilya.
Mahalaga ang bakuna kaya nanawagan ito sa netizens na magpabakuna na para raw maging Covid-free na ang ating bansa.
Huwag nga raw matakot sa pagturok ng injection at ang nakakatakot nga raw ay kapag tinamaan ka ng killer virus.
Samantala, nagbigay babala naman si Pia sa mga bakunado na.
Baka nga raw kapag kumpleto na ang bakuna ay maggala-toda max at hindi na sundin ang health protocols.
Kaya nga raw di porke’t bakunado na ay magagawa na ng iba na gumala sa kung saan-saan.
Well, well, well…’Yun na!