Advertisers

Advertisers

Alessandra gift kay Piolo ang unang dinirek na movie

0 229

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING tagahanga si Piolo Pascual ang sabik nang makita ang kanilang idolo sa telebisyon lalo pa na nabitin sila sa maikling panahon na napanood ang idolo sa live show nitong “Sunday Noon Live” sa TV5 na nakansela agad pagkatapos lang ng ilang episodes.

May tsikang nagkakaroon na raw ng negotiation sa pagbabalik ni Piolo sa Siyete, remember na produkto si Piolo ng show noong ng yumaong Master Showman German Moreno na ‘Thats Entertainment’.



Pero habang waiting pa sa pagbabalik telebisyon ni Papa P ay may isang pelikula siyang nagawa two years ago pa. Dahil na rin sa pandemya ay naurong ang playdate nito, ang romance film na “My Amanda” kasama si Alessandra de Rossi.

“Looking forward to sharing with viewers “the feeling of being on the same journey with someone, and finding out what profound companionship can offer to the other,” say ni Papa P.

Say naman ni Alessandra, bukod sa siya ang bidang babae sa naturang movie ay siya rin ang nagdirek nito and ito ang kauna-unahang pelikula na nagawa ni Alessandra bilang direktora.

“The film is a gift  for Piolo Pascual, who turn my life around when he produced my movie with Empoy na “Kita Kita”,” say naman ni Alessandra.

***



KUNG si Michael V lang ang masusunod hanggang maaari ay nais niyang ang mga anak ay mag-focus sa pag-aaral o mag-pursue sa kursong tinapos.

Ngayon ay pinasok na nga ng isang anak ni Michael V ang showbiz, si Brianna Bunagan na kamakailan lang ay ipinakilala sa masa sa programang “All Out Sundays”.

Katatapos lang ni Brianna sa kanyang pag-aaral at imbes na i-pursue pa ang pinag-aralan ay showbiz ang kanyang tinuunan ng pansin. Okey lang kaya ito kay Michael V.? At sa social media account doon ipinadaan ni Michael V ang kanyang sentimyento sa naging hakbang ng anak.

“I guess it was bound to happen. Thank you @artistcenter and congratulations @briannabunagan. May the industry shine brighter with the light you’re bringing.

“Everyone’s love and support is greatly appreciated.”

Sa side naman ni Brianna, alam niyang hindi ganun kadali para sa kanya na ma-penetrate ang showbiz at may amang kilala sa industriya. Dahil baguhan siya hindi maalis na maikumpara siya sa ama.

“For me po, the main thing at first is really getting out of the light na parang making a name for myself. Since my dad is Michael V., it’s gonna be a bit of a challenge to get out of the light, na anak lang ni Michael V. It was always gonna be a part of who I am.

“For me po, the main thing at first is really getting out of the light na parang making a name for myself,” say pa ni Brianna.

Ang tanong: Marating kaya ng anak kahit kalahati man lang ng tagumpay na natamasa ng ama?