Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
HANGGANG ngayon patuloy pa rin ang paghingi ng tawad ni Alwyn Uytingco sa estranged wife na si Jennica Garcia.
Makikita nga sa kanyang Instagram page ang sunud-sunod na pagsisisi niya at paghingi ng tawad para maituwid at maitama ang kanyang kamalian.
Sa latest post ni Alwyn ay nag-upload siya ng throwback photos ng masasayang araw nila ni Jennica. Sa caption ay inihayag niya ang pagmamahal kay Jennica at nagmamakaawa na bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.
“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano ang sabihin nila…ang mahalaga para sa akin ay mga salita na manggagaling sayo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita.”
Sa panayam ng GMA 7 ay kinumpirma ni Jennica na hiwalay na sila ni Alwyn. Wala nga lang binigay na detalye ang anak ni Jean Garcia kung bakit sila naghiwalay.
Magmula noon ay panay ang post ni Alwyn ng paghingi ng tawad pero dedma na si Jennica sa post ng actor. Ang hindi nakapagpigil sa panay na post ni Alwyn ay ang ina niyang si Jean Garcia.
Sunud-sunod din ang post ni Jean sa post ni Alwyn at tila asar na asar na ito sa manugang.
“Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo…respeto kasi yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindihan tayo! Ok ka lang ba?! Comment ni Jean sa isang post ni Alwyn.
Hindi pa rin nagpaawat ang actress at nag-iwan din ng comment sa birthday message ni Alwyn sa anak na si Alessi.
“Hayyy kawawa kasi ikaw, di ka marunong makipag-usap. Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!” comment ni Jean.
Yean 2014 nang ikasal sina Jennica at Alwyn, biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Mori at Alessi.
***
Welcome sa Bubble Gang barkada ang mga bagong Kapuso
Masaya ang Bubble Gang barkada sa mga bagong Kapuso talent na nagpahayag na gusto nilang mag-guest sa longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday at 10:12 pm sa GMA 7.
Matatandaang matapos pumirma ng kontrata ni Beauty Gonzales sa GMA 7 ay nagpahayag ito na gusto niyang lumabas sa Bubble Gang dahil isa ito sa mga paborito niyang gag show sa Kapuso Network.
Sa interview nga kay Beauty ay inamin nito na paborito niya si Michael V pagdating sa pagpapatawa. Kaya looking forward siya na ngayong isa na siyang Kapuso ay makakasama niya si Bitoy.