Advertisers

Advertisers

4 Pinoy nanggapos, nagnakaw ng Tsekwa timbog sa Parañaque

0 286

Advertisers

ARESTADO ang 4 na Pinoy na dating tauhan ng isang Chinese national sa panloloob sa Parañaque City noong Sabado.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Col. Maximo Sebastian Jr., 3:00 ng madaling-araw pinasok ng mga suspek ang tirahan ng 27- anyos na Chinese sa Multinational Village sa Barangay Moonwalk.

Sa ulat, sinira ng mga suspek ang padlock ng gate gamit ang bolt cutter. Iginapos ng mga ito ng plastic straw at packaging tape ang Chinese at tinangay ang halos P1 milyong halaga ng ari-arian at 2 vault na may lamang P3 milyong cash.



“Ito po ang nakakapagtaka kasi dahil dire-diretso sila. Ibig sabihin, alam na alam nila ang bahay na pupuntahan nila, Alam nila na may 2nd floor. Dire-diretso,” ayon kay Sebastian.

Sa tulong ng mga force multiplier na nagbigay-impormasyon sa pulis, natunton ang mga magnanakaw sa mga follow-up operation sa Parañaque; Santa Maria, Bulacan; Caloocan City; at Angono, Rizal.

Nabawi ang nasa P871,000 cash na pinaghati-hatian sa mga suspek pati ang mga sasakyan at isang baril na ginamit sa krimen.

Mga kasong robbery at illegal possession of firearms ang kahaharapin ng mga suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">