Advertisers
IPINAG-UTOS ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagsibak sa 75 pulis na sangkot sa iba’t ibang illigal na aktibidades.
Ang mga nasibak na pulis ay bahagi ng 166 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na napanagot sa iba’t ibang paglabag.
Sa datos ng NAPOLCOM, 45 pulis ang naparusan; isa ang na-demote; 43 suspendido.
“We assure the public that the NAPOLCOM fully supports the government’s effort to rid the police service of scalawags and misfits by fast-tracking the resolution of administrative cases against PNP members filed before the Commission,” saad ni NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano N. Aguirre II. (Mark Obleada)