Advertisers

Advertisers

Dating MTRCB chair dismayado sa pelikula ni Sharon, makamundo raw

0 570

Advertisers

Ni JULIET PACOT
INAMIN ng dating chairman ng Movie Television, Review and Classification Board na si Manoling Morato na dismayado siya sa bagong pelikula ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagpapahiwatig umano ito ng “kamunduhan”.
Kontra siya sa title ng movie ni Sharon na “Revirginized”, bukod sa hindi raw akma sa personalidad ng Megastar, respetado raw sa movie industry ang ina nito na namayapang si Lalaine Cuneta at maybahay ng dating mayor ng Pasay City na si Pablo Cuneta.
Itinatag noong 1985 sa ilalim ng Office of the President, ang MTRCB na siyang inatasan ng gobyerno na mag-review at magbigay ng classification sa mga pelikula at TV shows na ipinalalabas sa bansa.
Matapos ang termino ng unang chairperson nito na si Maria Kalaw Katigbak, umupo bilang pinuno ng MTRCB si Manuel “Manoling” Morato.
Kapag nasilip niyang malaswa at may kababuyan ang mga “penekula” (penetration films) sa panunungkulan niya mula 1986 hanggang 1992, kesehodang “gunting” sa MTRCB ang gamitin niya para putulin ang bahaging hindi papasa sa panlasa ng ahensya.
“Pinatay ko ang bomba films sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.”
Magugunitang namayagpag bilang “pene stars” sina Didith Romero, Amanda Amores, Myra Manibog, Myrna Castillo, Cherry Madrigal, George Estregan, Mark Joseph, Tony Martinez, Bobby Benitez, Ronald Nepomuceno, Tani Cinco at marami pang iba.
Hanggang lumipas ang panahon at sa paglaganap ng Covid-19, namatay ang mga sinehan.
Hindi na dumadaan sa MTRCB ang mga pelikula at streaming online.
Lumaganap din ang ibang Pinoy films na soft porn ang tema na nag-i-streaming sa iba’t ibang platforms.
Kaya hindi uubra at papasa sa kanya ang Revirginized ni Sharon, bawal aniya itong ipalabas dahil hindi pinapayagan ang pelikulang may “dalawang meaning” at salacious ang title.
“When I stepped down, Mother Lily was the first one naman to acknowledge on television, na it was the golden years of the film industry raw.
“Kasi, ayaw silang maniwala sa akin. Sinasabi ko, ‘Lily, kung magbobomba-bomba films, mga 5% lang ng mga sira-ulo ang magiging kliyente ninyo.
“Pero if you follow the law, and you go down to Parental Guidance, because bawal ang X-rated, e… Pati sa television, bawal ang adult [contents].