Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
THIS time ay tila desidido na raw si Janella Salvador na kasuhan ang basher na nam-bully sa anak nila ni Markus Paterson. Sinabi niya ito sa interview sa kanya ni Dra Vikki Belo para sa YouTube vlog nito.
Matatandaang matinding pamba-bash ang naranasan ng baby ni Janella na kahit sinong magulang siguradong magagalit. Isa nga aa komento ay sana raw magka-Covid-19 ang kanyang anak.
“I didn`t know how to feel when I first saw the comments about Jude. I was trying to think, `are they just joking or what? Kasi like would who pick on a baby?” What kind of humor is that?” say ni Janella.
“You know, to each his own. But at same time, I realized it`s not okey `cause it`s a form of bullying talaga. So, I`m gonna stand up for Jude. I`m gonna do anything for my son. So, I stand up for him,” patuloy pa ni Janella.
Kung siya lang ay sanay na siya sa pamba-bash pero bilang isang ina ay ibang usapan na raw kapag ang anak na niya ang binu-bully.
“They think kasi na wala lang pero as a mom, even if I`m in this industry, like I`m used to bashing directed towards me, when it`s towards Jude, it`s not okay,” say pa ni Janella.
Kumunsulta na siya ng abogado para sampahan ng kaso ang basher.
“We were gonna push through the complain. Well, I`m still planning to. But, I`m just praying about it for now, because we have so many things to make asikaso. We`ll see,” aniya.
***
KATAS ng online business ang bagong bahay nina Lovely Abella at Benj Manalo.
Unti-unti nang gumiginhawa ang buhay ng mag-asawa dahil sa kanilang online business. At dahil na rin sa kanilang successful na negosyo kaya nakapagpatayo na sila ng bagong bahay.
“Ngayon pa lang nag-sink in sa `kin na totoong nangyayari lahat ng `to sa aming pamilya. Walang imposible talaga pag may pananalig ka kay Lord, sipag at tiyaga,” say ni Lovely sa pinost niyang larawan ng bahay nilang malapit nang matapos sa social media.
Sinabi naman ng mister niyang si Benj sa comment section, “Lets go, baby!! Trabaho pa tayo hahaha love you, congrats sa `tin! And sa buong team na nakapaligid satin! Para satin `to!”
Bukod sa bagong tirahan ay nakabili na rin sila ng bagong sasakyan na galing din sa kanilang naipon sa online business.
Samantala, nagpapasalamat din si Lovely sa ibinigay na tiwala sa kanya ng GMA 7 para isama sa longest running gag show na Bubble Gang. na napapanood every Friday at 10:12 pm sa Kapuso Network
“Salamat sa Bubble Gang na nagbigay sa akin ng pagkakataon makapag-ipon at maipagpatuloy ang pangarap kong maging isang ganap na comedienne,” say pa ni Lovely.
***
Willie Revillame nag-ayuda sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa Sulu crash
NAGLABAS si Willie Revillame ng P5.2 million para ibigay sa mga naulila ng mga nasawing sundalo sa Sulu crash noong July 4.
P100,000 ang matatanggap ng bawat pamilya mula sa sariling bulsa ng TV host at ganoon ding halaga ang matatanggap ng tatlong sibilyan na nadamay sa aksidente.
Labis na ikinalungkot ni Willie ang sinapit ng 49 na sundalo na papunta pa lang sa laban pero hindi pa man ay nasawi na ang mga ito dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nilang eroplano.
“Pag napanood ko yung pamilya, yung tatay na umiiyak, yung mga anak na walang kamuwang-muwang, ako ha personally, gagawa rin ako ng personal kong pagtulong. Ipagkakaloob ko po sana sa bawat pamilya ng bawat naulila, pati po sa sibilyan.
“Maglalaan po ako ng tig-P100, 000 sa bawat pamilya pong naulila and then, 3 sibilyan po na naulila rin ang pamilya. Ito po ay sa sarili ko pong bulsa, personal ko pong pera `to” pahayag ni Willie sa pag-uusap nila sa phone ni Major Gen. Arevalo na napanood sa Wowowin.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tumulong si Willie para sa mga sundalo. Year 2017 ay nagpaabot siya ng tulong na nagkakahalagang P2 million para ipagkaloob sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi (Marawi Siege) at halagang P1 million para naman sa mga sundalong sugatan.
Nagbigay din siya ng brand new house and lot sa tatlong mapalad na member ng AFP.
Asahan na may matatanggap na bashing si Willie sa ginawa nitong pagtulong sa mga naulilang sundalo na nasawi sa plane crash dahil next year na ang election.
Kapag pumasok kasi sa politics ay asahan ang paninira laban sa iyo. Ganyan ang kalakaran sa pulitika na titirahin at bibigyan ng kulay ang pagtulong sa kapwa.
Not like sa showbiz ay okey at proud pa sa ginawang pagtulong na ginawa mo. Sadyang madumi nga raw ang labanan kapag pinasok mo ang pulitika.