Advertisers

Advertisers

Di raw sa ex-mister galing… JM rason ng hiwalayang Kylie at Aljur?

0 248

Advertisers

Ni JULIET PACOT

SA mainit na isyung kinakaharap ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica na malabong magkabalikan hangga’t ‘di nagkakapatawaran, ang aktres naman ang itinuturong may third party.

Si Kylie raw ang may “lover”  at siya ang may sikretong malupet, ayon sa mga tsismosang netizen.



Halos lahat daw ng naging kalabtim ni Aljur sa showbiz ay naiugnay na sa kanya pero wala pa ring matibay na ebidensyang nagluluko ang aktor.

Pero sa totoo lang,  si JM de Guzman daw talaga ang tunay na mitsa sa hiwalayan ng couple.

Bagay na mabilis namang pinasinungalingan ni Kylie ang pag-uugnay sa kanya kay JM.

Diretsong sagot ni Kylie sa netizen: “@sfb_mryjn magkaibigan lng kami ni JM. This is not true.”

Ang isyung may third party si Kylie ay taliwas sa naunang pahayag ni Robin Padilla na may ibang babae si Aljur kaya naghiwalay ang mag-asawa.



Isang netizen ang nangahas magtanong kay Kylie kung totoo ang bali-balitang kaya raw siya nakipaghiwalay kay Aljur ay dahil maluho umano ang aktres at nagpapaligaw sa mayayamang artista.

Tanong ng netizen na si @sfb_mryjn (published as is): “Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo?

“Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa’ yo pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang Sabi ni Xian Gaza eh salamat po.”

May iba ring netizens ang nagpaabot kay Kylie tungkol sa ulat ni Cristy Fermin na nahuli umano ni Aljur si Kylie na “kakomunikasyon” si JM noong nagsasama pa ang mag-asawa.

Magugunitang noong nakalipas na linggo, prangkang inihayag ni Robin na umamin sa kanya ang anak  na hindi nito kayang makipag-ayos kay Aljur matapos malaman ang panloloko ng mister.

Sinabi pa raw ni Robin kay Kylie na bilang lalaki si Aljur ay hindi kataka-takang pumatol sa tukso lalo na sa showbiz.

Pero tahimik naman si Kylie sa isyung may third party si Aljur.

Ang tanging sinabi ni Kylie ay nasa proseso sila ng “moving-on ni Aljur.  Sinusubukan din daw nilang maging maayos ang kanilang “co-parenting status” para sa kapakanan ng dalawa nilang anak.

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig ni Aljur sa alegasyong nambabae siya kaya nakipaghiwalay sa kanya si Kylie.

Ilan sa mga babaeng nadawit na third party  ay sina Erin Ocampo, Maika Rivera  at Cindy Miranda.

Nauna nang itinanggi ni Cindy na siya ang third party sa separasyon ng mag-asawa, at propesyunal lamang daw ang relasyon nila bilang magkatrabaho sa pelikulang Nerisa.

Halos ganito rin ang sinabi ni Maika na dating katrabaho ni Aljur sa defunct Kapamilya primetime series na Sandugo.

Hindi raw magagawa ni Maika na makipagrelasyon sa may asawa, at bilang babae ay malaki raw ang respetoniya sa misis ni Aljur na minsan na niyang nakilala sa personal.

Nagkausap na rin umano sina Erin at Kylie at nagpaliwanag si Erin sa misis ng aktor.