Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
BIHIRA magsalita ang beteranong komedyante at Eat Bulaga host na si Vic Sotto lalo na kapag iniintriga.
Hindi rin ito mapagpatol sa bashers lalo na’t wala namang itong social media account.
Masasabing choice rin niya na hindi magkaroon ng socmed dahil gusto niyang maging pribado ang buhay.
Pero kahit pribado, may mga pagkakataong naaapektuhan din siya ng bashers lalo na kung may mga nakararating sa kanya.
Sa latest appearance naman niya sa kanyang noontime variety show na Eat Bulaga, bagama’t wala siyang direktang tinutukoy o pinapangalanan, nagpakawala naman siya ng mabibigat na mga sala sa mga propagators of fake news.
“Darating ang araw na may paglalagyan kayo,” aniya.
Hindi rin niya naitago ang kanyang pagkadismaya sa netizens na ito na walang magawa.
Katunayan, nagbabala pa siya na paglalagyan ang mga taong nagpapakalat ng fake news.
“Sa mga… eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media lalo na… o sa ibang paraan…”
“Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag,” bulalas niya.
May mga nagpalagay namang baka planong magdemanda ng komedyante ng cyber bullying sa trolls at spreaders of fake news.
***
SA panayam ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz kay Nadia Montenegro, naurot ng una ang huli tungkol sa relasyon nito sa dating kaibigang si Gretchen Barretto.
Tanong ni Ogie: “Nagpe-pray ka ba na sana maging okay din kayo ni Gretchen?”
Sey naman ni Nadia, matagal na niyang kinalimutan kung anuman ang alitan nila ni Gretchen.
Katunayan, ipinagdarasal daw niya ito parati.
“Pinagpe-pray ko siya parati,” ani Nadia. “Pinagpe-pray ko si Gretchen all the time kahit hindi siya naniniwala na pinagpe-pray ko siya. Maraming instansya sa relationship namin ni Gretchen na hindi ko maintindihan. Pero ngayon, now I’m at this age, when you see someone you love and you care, who’s happy and living her life to the fullest.
“Happy na ako dun, Gretchen knows naman eh. Loka loka rin yun eh, diba it takes one to know one,” dugtong niya.
Sina Nadia at Gretchen ay matagal nang magkaibigan since grade school hanggang i-launch sila noon bilang Regal babies ng taong 2008.
Nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon dahil sa umanoý pagkakalat ng kampo ni Nadia ng tsismis tungkol sa relasyon ni Greta sa politikong si Dody Puno noon na minasama ng aktres.