Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NAGING maganda ang reception ng viewing public sa first week ng bagong teleserye ng Asia’s Multi athemedia Star na si Alden Richards. Nag-trending pa ito at napanatili sa loob ng first week ng serye ang mataas na ratings.
Isang patunay lang na sobrang na-miss ng kanyang mga tagahanga ang idolo lalo na sa mga live shows nitong ‘Eat Bulaga’ at sa Sunday noontime musical variety show ng Siyete, ang ‘All Out Sunday’.
Pero nitong mga nakaraang linggo ay no show na si Alden sa mga naturang live shows niya dahil nasa lock-in taping si Alden at pag nag-break naman sa taping ay inaasikaso naman niya ang mga naka-pending niyang showbiz commitments na tinamaan ng lock-in taping niya.
“Hindi po talaga pwedeng lumabas sa ‘bubble’ kapag nasa lock-in. Bawal po siya and s’yempre, since hindi pa rin masyadong contained ang virus, medyo hindi pa po tayo sure sa labas. Kapag lock-in po, dito lang talaga. Hindi rin kami nakakauwi,” say ni Alden.
Pero binigay ni Alden ang assurance sa kanyang supporters na hindi naman siya aalis sa dalawang live shows na kinabibilangan pero sa takbo ng pangyayari ay matatagalan pa yata ang kanyang pagbabalik lalo pa pagkatapos ng kanyang teleserye ay sasabak na naman si Alden sa isang lock in shooting ng bagong movie niyang gagawin katambal ang bagong Kapusong si Bea Alonzo, ang ‘A Moment To Remember’.
“Kapag natapos na po ang mga trabaho natin. ’Yun nga po ang mahirap, unlike before na walang lock-in, kahit paano, nakaka-sundot-sundot po ako ng Eat Bulaga,” say pa ni Alden.
***
KUNG pagmamasdan ang byuti ni Shaira Diaz ay tila lalamya-lamya ang dalaga. At hindi yata makakabali ito ng kahit isang toothpick.
Pero sa kabila pala ng kagandahan ni Shaira ay isa siyang sports enthusiast, lalo na sa larong volleyball. Kaya ganun na lang ang labis na tuwa ni Shaira nang maimbita siya para maging isa sa judge sa talent competition featuring student-athletes playing in the National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa sport show ng Kapuso Network na ‘Rise Up Stronger: NCAA Season 96’.
Kaya marami tuloy ang nagsasabi na ano naman kaya ang K ni Shaira para maging judge sa mga athlete student?
“Nag-start ako to play volleyball parang Grade 4 pa lang ako. Nagsimula ‘yan muna sa catch and throw. Parang ibabato mo lang ‘yong bola dun sa dulo ng line sa court, parang kayang-kaya ko. So sabi ko, try ko nga paghahampasin ko naman ‘yong bola. So dun ko na-discover na love ko ‘yong sports, ‘yong volleyball,” say ni Shaira.
So, nangarap din kaya si Shaira na maging isang student athlete noong nag-aaral pa siya?
“Actually, pangarap ko talaga ‘yan dati. Gusto ko talaga mag-varsity. Kung hindi ako nag-artista ngayon, gusto ko talaga mag-tryout,” dagdag na say pa ni Shaira
Sa ngayon ay nagtuluy-tuloy na muli ang taping nila ni Ruru Madrid para sa seryeng ‘Lolong’ na pansamantalang nahinto noon dahil sa laki ng budget ng naturang serye at nadagdagan pa ng gastusin sa muling paghihigpit ng health protocol para sa mga lock-in taping.