Advertisers

Advertisers

Kim takot mag-taping, ayaw lumabas ng bahay dahil sa pandemya

0 513

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

ISA sa masusuwerteng sexy model si Kim Domingo na nagsimula sa pagpo-post sa mga sexy magazine at nabigyan ng pagkakataong maging ganap na comedienne.

Ayon kay Kim, nagpapasalamat siya sa GMA 7 at sa Bubble Gang barkada  na tinanggap siya nang buong pagmamahal. Ipinadama sa kanya na hindi siya  baguhan sa cast ng BG.



“Ang sarap ng pakiramdam na lahat ng mga kasama mo sa gag show ay itinuring ka agad na kapamilya. Hindi ko naramdaman na isa akong bagong salta sa grupo,” say ni Kim

Kung dati ay puro mga barako at kalalakihan ang kanyang followers, ngayon ay may mga kabataan na rin na laging sumusubaybay sa pagpapatawa niya sa Bubble Gang kasama nina Valeen Montenegro, Michael V,  Paolo Contis, Boy 2 Quizon atbp na napapanood every Friday, at 10:20 pm sa GMA 7.

Gustung-gusto na ni Kim mag-taping ng BG at malapit na itong mangyari. Kapag fully vaccinated na siya ay balik taping na silang BG barkada.

Magmula  nang magsimula ang pandemic sa bansa ay nasa bahay lang daw siya at  hindi siya naglalabas dahil sa takot na magka-Covid-19.

Samantalang natawa at hindi na lang pinapansin ni Kim ang naglabasan na pinopormahan siya ng isang bagets actor.



“Walang katotohanan po yung naglabasan na nililigawan ako ng isang bagets actor. Grabe pa ay magdyowa na raw kami ng actor.  Wala po sa isip  ko  muna ang magka-boyfriend,” say ni Kim.

***

“ENTERTAINING”  ang naging tugon nina Jennylyn Mercado at Paolo Contis nang kumustahin ang taping nila ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Sina Jen at Paolo ang bibida sa all new episode  ng children`s  fantasy  TV series na gaganap sila bilang sina Angel at Migs  sa istorya na  Last  People on Earth.

Sa ipinadala nilang pahayag sa GMA ay nagpasalamat at masaya sila dahil sa kanila  ibinigay ang proyekto.

“Basta  expect  nila na  mapapangiti  sila while  watching. Sa hirap ng  buhay ngayon,  minsan kailangan mo talagang  malibang sa mga  pinapanood mo  at  isang halimbawa  ng episode  namin ito,” say ni Jen.

Kaagad naman itong sinegundahan ni Paolo.

Ayon na pa rin kina Jen at Paolo ay naging  napakagaan ng kanilang  pagtatrabaho  kahit  na sa gubat  kinunan ang karamihan ng kanilang eksena.

Ayon naman kay Paoio, hindi ganun  kalaki  ang adjustment  kahit  outdoor  ang location nila, Since, tuluy-tuloy naman ang trabaho niya kahit may pandemya.

Tamang-tama naman kay Paolo ipinagkatiwala ang children`s fantasy TV series dahil napapanood na siya sa Bubble Gang na nagdudulot ng kaligayahan sa lahat ng manonood, bata, matanda at kahit ano pang kasarian.