Advertisers

Advertisers

Tom nakagugulat ang karakter sa bagong serye; Kelvin nadadala sa akting ni Albert

0 165

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BILANG si Brian Libradilla ay naiiba at kagulat-gulat na Tom Rodriguez ang napapanood sa The World Between Us.

“Lahat ng character, makaka-emphatize ka, you will know where they’re coming from. So iyon yung maganda dito, e.



“Each character has that element and Brian Libradilla is no exception to that rule. Kahit ako e, even reading the script, and reading the character’s synopsis and all of it, hahanapin mo yung bubog niya, e. ‘Grabe ‘tong si Brian, bakit siya ganyan?’

“Ano yung meron sa kanya, what’s driving him? And hindi lang si Brian yung may ganun, lahat meron.

“And for Brian, I really found out that he’s just longing for love. Uhaw siya.

“Uhaw at gutom siya sa pagmamahal, pag-aaruga.

“For that warmth, he’s hungry for that validation na hindi niya mahanap na to the point na kahit siya, kapag naghahanap siya at nagbibigay ng pagmamahal, hindi niya alam kung paano gawin.



“So medyo hindi na magma-manifest yung the right ways.

“Minsan may mga ganun tayo sa kanya-kanya nating buhay e, whether maliit o malaking bagay, o maliit na bagay na pinapalaki, tao lang tayong lahat.

“So may mga ganun tayong aspeto. Na minsan nagiging selfish, akala natin sa atin umiikot ang mundo.

“Na the world between us nga pero sometimes we think the world revolves around us without meaning to. Minsan may mga ganung aspeto kay Brian.

“The characters here, they’re not just one-track characters, so kahit yung mga characters dito sa show na ‘to, may chance sila to see their mistakes, to see outside of themselves.

“So even the characters in the show also have the chance  to see the world, thru the perspective of others,” mahabang pahayag pa ni Tom.

***

ANG young Kapuso actor na si Kevin Miranda ang isa sa mga bida ng susunod na episode ng “Wish Ko Lang!” na bahagi pa rin ng month-long 19th anniversary celebration ng nasabing GMA Public Affairs show. Makakasama ni Kelvin ang veteran actor na si Albert Martinez, na isa nga raw sa mga gusto talaga niyang makatrabaho.

“A Second Chance” ang title ng episode ngayong Sabado (July 17) at mag-ama ang role na gagampanan dito nina Albert at Kelvin. Pagbabahagi ni Kelvin, favorite scene niya raw ‘yung mga eksenang nagkakaroon sila ng eye contact ni Albert.

“Gusto ko yung eksenang nag-eye contact kami. Sobrang nadadala kasi ako kay Sir Albert, palaging may laman ang mga tingin niya so mararamdaman mo talaga na totoo ang mga sinasabi niya,” say ng Kapuso actor. “Halos lahat [ng eksena] naging paborito ko,” dagdag pa niya.

Sa kuwento, ilang taong nakulong ang karakter ni Albert na si Fred dahil sa isang krimeng di nito sinasadyang magawa. After 25 years ay makakalaya na ito at babalikan ang kanyang anak na si Lorenz (Kelvin) na lumaking may sama ng loob sa ama. Akala kasi niya ay pinabayaan siya nito. Isang pangyayari ang maglalagay sa alanganin kay Lorenz at sa huli, mapagtatanto niya kung gaano talaga siya kamahal ng kanyang ama.

Mapapanood din sa episode na ito sina Crystal Paras, Cai Cortez, Akihiro Blanco, at Luke Conde. Abangan ang “A Second Chance” sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales ngayong Sabado, 4 pm sa GMA Network.

***

THANKFUL ang bagong Kapuso na si Luke Conde dahil malaking proyekto na agad ang kinabilangan niya sa GMA. Kasama kasi si Luke sa month-long 19th anniversary celebration ng Wish Ko Lang!

Ngayong Sabado (July 17), ipalalabas ang episode na pagbibidahan nina Albert Martinez at Kelvin Miranda. Gaganap si Luke na third party sa relasyon ng mga karakter nina Kelvin at Crystal Paras sa kuwento.

“Nagpapasalamat po ako sa Wish ko Lang. Isang karangalan po na ito ang aking unang project with Kapuso Network dahil nakasama ko ulit si Tito A (Albert), at first time ko naman makatrabaho si Kelvin. Isa ito sa mga programa na nakapagbibigay inspirasyon sa mga manunuod,” share ni Luke.

Nag-enjoy rin daw siya sa naging set nila sa programa. “Masaya po at magaan ang atmosphere sa set. Sa adjustment naman po, pakiramdam ko isa po akong transferee from other school na nangangapa pa sa mga new classmates, pero naging madali naman po ang adjustment dahil welcoming at accommodating po ang mga Kapuso artists at staff.”

Marami pa raw dapat abangan ang Kapuso viewers kay Luke pero bago lahat ng ‘yan, watch na muna ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, 4 pm sa GMA Network!