Angel kakaririn ang pagluluto bago ikasal kay Neil; Bea at Dominic huli magkasama sa baby shower ng dating aktres sa Tate
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA tsikahan nina Matteo Guidicelli at Angel Locsin, inihayag ng actress na 2 years lang sana ang ilalagi nito sa showbiz.
Purpose ni Angel, after daw niyang makaipon in 2 years sa showbiz ay ipapaopera nito ang ama sabay quit.
Kaso nga sa edad ng tatay nito noon na 80 plus ay ‘di na nga siya inoperahan sa mata dahil super senior na at 94 na ngayon ang tatay ni Angel.
At ngayon namang wala na itong pinagkakaabalahan, timing na natapos na ang Iba Yan at ngayon ay tutok ito sa pag-aayos ng kanilang kasal ng fiance na si Neil Arce.
Isa sa pagtutuunan ng pansin ni Angel ay ang pagluluto lalo na’t papasukin na nito ang pag-aasawa.
Gusto raw ng actress na siya mismo ang magluto na ihahain nito sa soon to be hubby na si Neil.
Kailangan nga raw ikarir ni Angel ang pagluluto at baka isauli siya ni Neil sa kanyang tatay pag nagkataon.
Kung kinakailangan nga raw na mag-enroll ito sa isang Culinary skul ay gagawin nito para lang matutong magluto.
***
HINDI mismong sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang nag-post na sila ay magkasama.
Pinagpiyestahan ang picture nina BeaDoms sa socmed. Nasa US kasi ang dalawa at naka-bakasyon.
Wala pa rin opisyal na pag-amin sa dalawa na may relasyon na sila. Pero ‘di na nga raw makatatanggi pa ang dalawa na may something special between them.
Huling-huli na nakuhanan ng pics ang dalawa sa baby shower ng dating aktres ni Beth Tamayo na tiyahin ni Dominic.
Imbitado naman sina BeaDoms kaya marami ang kumuha ng pics sa dalawa na viral ngayon sa socmed.
Sa nakitang larawan ni Bea ay tila si Dominic na nga ang lalakeng masasabi nitong kanyang the one. Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!