Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAKATUTUWANG malaman na noon pala ay naging “extra” si Andrea Torres sa isang proyekto dati ni Alice Dixson.
“Actually po si Ms. Alice, hindi ko po kasi alam kung considered ito na naka-work.
“Pero may ginawa pong project si Ms. Alice, tina-try nga po naming alalahanin e pero may ginawa po siyang project before, passerby ako,” at tumawa si Andrea.
“Oo! So pinakita ko kay Ms. Alice yung picture, tuwang-tuwa siya, sabi niya, ‘Oh my gosh, ang bata mo pa diyan!’
“Basta ang eksena ko, bumaba ako sa tricyce tapos naglakad sa likod niya,” pagbabalik-tanaw pa ni Andrea.
At ngayon nga sa Legal Wives, hindi na siya “extra” lamang; kalebel na si Andrea (bilang Diane San Luis) ni Alice (bilang Amirah Alonte) isa sa mga legal wives ni Dennis Trillo ( as Ismael Makadatu) sa naturang serye na eere na sa GMA sa Lunes, July 26.
Ano ngayon ang impresyon niya kay Alice?
“Si Ms. Alice po nung una, akala ko parang mai-intimidate ako kasi parang siyempre, Alice Dixson, e.
“Tapos nagulat ako, bungisngis pala siya!
“Sobra niyang bungisngis, as in lagi siyang naka-smile and sobrang friendly.
“So mas naging madali ang taping, kahit sa mga eksenang nag-aaway kami kasi at least, parang hindi ako naiilang na gawin yung mga ipinapagawa ni direk sa mga medyo, sampalan, ganyan, sabunutan.”
Banggit namin kay Andrea, kung noon ay passerby lang siya ni Alice, ngayon ay makikipagsampalan at sabunutan na siya sa aktres.
“Grabe yun,” reaksyon pa ni Andrea tungkol sa kaabang-abang na sagupaan nila ni Alice sa Legal Wives.
Gaganap naman bilang 3rd legal wife si Bianca Umali as Farrah Balindong.
Ang cast members pa ng Legal Wives ay sina Cherie Gil as Zaina Guimba; Maricar de Mesa as Zobaida Almahdi; Al Tantay as Hasheeb Makadatu; Irma Adlawan as Nuriya Baunto; Juan Rodrigo as Cesar San Luis; Bernard Palanca as Abdul Malik Valeandong;Tommy Abuel as Asad Ampang Alonte; Kevin Santos as Omar Delos Reyes; Ashley Ortega as Marriam Pabil; Shayne Sava as Jamilah Makadatu; Melbelline Caluag as Kyla; Abdul Raman as Hammad; Pamela Prinster as Nathalie San Luis-Makadatu; Divine Aucina as Lizzie; Mon Confiado as Usman Pabil at Derrick Monasterio as Edgar Delos Reyes.
May guest appearance naman sa Legal Wives si Alfred Vargas as Naseer Makadatu.
Ang Legal Wives ay sa direksyon ni Zig Dulay.
***
ISA sa malakas na puwersa sa cast ng The World Between Us ay ang mahusay na aktres na si Dina Bonnevie na gumaganap sa nabanggit na GMA teleserye bilang si Rachel Libradilla.
At sa unang pagkakataon ay nakatrabaho ni Dina ang isa sa mga importanteng artista ng Kapuso Network, si Alden Richards, na gaganap naman bilang si Louie Asuncion.
“For me working with Alden Richards is something really refreshing, it’s the first time I’m working with him.
“Actually nakakatuwa kasi when you’re doing a scene with him you can’t help but really stare at his dimple,” tumatawang umpisang sinabi ni Dina.
“Pero more than that, si Alden kasi, he’s a very passionate actor, yung talagang you can feel his heart, in every scene he gives his best.
“He’s not afraid to explore, you know, to let his emotions go and to go with your flow.
“Parang, when you’re doing a scene nararamdaman mo na nagbibigayan kayo, e. You can feel his energy, he can feel your energy and then it’s like you’re making music together!
“Iyon ang experience ko sa kanya, he’s so professional, and I’m really happy, finally I’ve worked with Alden,” nakangiting pahayag pa ni Dina sa Zoom mediacon ng The World Between Us.
Bukod kina Dina at Alden, nasa The World Between Us din sina Jasmine Curtis-Smith bilang Lia Libradilla,Tom Rodriguez bilang Brian Libradilla at Ms. Jaclyn Jose bilang Yachie Delgado.
May mahahalagang papel din sa The World Between Us sina Sid Lucero bilang Eric Carlos; Kelley Day bilang Audrey Villacer; Yana Asistio bilang Jackie Carlos-Libradilla; Jericho Arceo bilang Edison Tomas; at Donn Boco bilang Pitoy Flores.
Napapanood ang The World Between Us weeknights sa GMA Telebabad.