Advertisers

Advertisers

ANIBERSARA (LAST PART)

0 1,080

Advertisers

Ni ATTY. NICK NANGIT

KUNG sakaling pinahintulutan muli ng Kongreso ang katol pero vetoed ng Pangulo ang panukala, maaari pa ring i-override ng Kongreso ang veto.

Dahil ba lamang na nagkaisa ang pananaw ng Kongreso at Pangulo, mali na? Kailangan bang magkasalungat sila palagi? Paano uusad ang ating bansa kung ang gusto lang ng kakaunti ang masusunod? Mayorya pa rin ang nasusunod sa isang demokrasya. Kung hindi pa naungkat sa pagdinig ang panggagantso umano ay hindi pa hihingi ng paumanhin ang pamunuan ng katol. Nakahanap pa ito ng dahilan na kesyo hindi raw umabot sa oras ang pagpapalabas ng ads na yun. Kung ito man ay totoo, bakit ngayon lang nila sinabi, ngayong nagigisa na sila sa sarili nilang mantika?



Wala ring kinalaman ang malayang pamamahayag. Mula noong naupo ang Pangulo hanggang ngayon ay wala pang naipabalitang sinampahan niya ng kasong libel o cyber libel ang katol o kahit sinumang tumutuligsa sa kanya, may pag respeto man ang mga ito o bastusan. Umaarangkada pa rin nga sa kasalukuyan ang mga kakarampot na rally, pagpupulong, at pagsusulat na talaga namang pwedeng pwede na niyang kasuhan (scurrilous libel), gaya ng ginawa ni Cory kay Louie Beltran. Pero, hindi ito ginagawa ni Pangulong Duterte.

Sa botohan ng TWG, masusunod ang mayorya, kahit ano pang dakdak ng minorya at kahit pa may kinikilingan ang minorya, dahil sa dati nitong koneksyon sa katol o kaya’y may kamag-anak na nagtatrabaho sa katol. Yan ay dahil pulitikal na sangay ng pamahalaan ang Kongreso. Kahit karapat-dapat o hindi na mabigyan ng bagong prangkisa ang isang aplikante, boto lang ang katapat. Hindi ito makukuwestiyon sa Korte, maliban na lamang kung may tinatawag na abuso sa diskresyon na katumbas ng walang hurisdiskyon o labis na hurisdiksyon.

Hindi pinatay ang prangkisa ng katol. Noong Mayo 2020 pa lamang ay expired na ito. Ibig sabihin, wala na itong prangkisa, kaya nga nag-aapply ito ng bagong prangkisa at kaya rin naghain ng mga bagong panukala ang ilang mambabatas para mabigyan ito ng bagong prangkisa. Paano papatayin ang prangkisang kaput na? Kumbaga, kung ikaw ay nagmamaneho at expired na ang driver’s license mo, apply ka na lang ulit. Hindi pinatay ng LTO ang lisensya mo. Pribilehiyo lamang ang ibinigay sa iyo, hindi karapatan. Sumunod ka. Huwag kang epal.

Hindi rin apektado ang lahat ng Pilipino, dahil lang wala nang libreng air time ang katol. Sila sila lang na nakikinabang doon sa loob ng kumpanya ang naapektuhan. Naaabot pa rin ng impormasyon at aliwan ang bawa’t sulok ng bansa sa pamamagitan ng ibang networks. May social media pa nga na pinasok na rin ng mainstream media. Sa katunayan, buhay na buhay pa ang mga nagda-drama noon na paano na raw ang mga pamilya nila o ikamamatay nila pag wala na ang katol. Ngayon, tameme na sila.

Totoo naglilipatan na ang mga tauhan ng katol sa ibang networks. May mga kasunduan pa ngang pinasok ang ilang programa ng katol, para gamitin ang libreng air time ng ibang mass media na may prangkisa, bagama’t maaaring may paglabag na naman sa batas, kung sakali, ang mga probisyong usufructuary na bawal sa prangkisa. Kung paano ito haharapin, depende sa NTC. Sinubukan din ng katol na gamitin ang platform ng socmed, kagaya ng YouTube at Facebook, subali’t tumiklop din, dahil hindi nito kayang baluktutin ang mga patakaran ng mga banyagang iyon.



Kung inaakala ng iba na wala na ang katol, mali po iyon. Sa ngayon ay hindi pa nagsusumite ang katol ng petisyon sa SEC para sa boluntaryong disolusyon. Kahit nagtalaga na ito sa kanilang mga ulat pinansyal o financial statements na nalulugi sila ay hindi pa rin tuluyang nagsasara ito. May mga ari-arian pa rin sa pangalan ng katol at pagkakautang ito na kailangang bayaran. Ibig sabihin, naghihintay lang ito sa susunod na Kongreso, pagkatapos ng halalan, na mag-apply muli at umaasang mabigyan ng bagong prangkisa sa mga susunod na uupong mambabatas. Karapatan yan ng katol. Wala pang capital deficiency o bankruptcy na nagaganap sa katol, para tuluyan na itong magsara.

Simple lang naman. Sumunod lang sila sa batas. Huwag umabuso. Hindi tayo nagsasaya na may mga taong nawalan ng hanapbuhay o aliwan. Panahon ngayon ng Pluto Rx, Saturn Rx, at Neptune Rx na nagdadala ng pagbukas sa kaisipan, pagharap sa karma, at pagmulat sa katotohan. Yan ang dapat matutunan ngayong naka-isang taon na ng Anibersara.

Katol pa more?!

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe Watch Like at Share lang ang Nickstradamus channel sa YouTube, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Huwag ito palalagpasin.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, at sa mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus208@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!