Advertisers
Ni JOVI LLOZA
ABA, may sitsit na balik-Kapamilya na si John Lloyd Cruz na nakipag-usap sa mga execs ng ABD-CBN.
Kaya tanong ng netizens, Kapamilya ka na ba, Kapuso etc. na ating aabangan.
Samantala, sa panayam naman ng Mars pa more kay Natalie Hart ay inamin nito na nakaranas din siya ng body shaming.
Nagkaroon kasi ng eating disorder si Natalie.
Feeling nito ay GGS o gandang ganda sa sarili siya.
Sa kagustuhang ‘wag tumaba ay talagang diet pa more si Natalie. Gusto naman mapanatili ng sexy actress ang balingkinitang pangangatawan nito na hindi nito alam na over na pala.
Humantong naman sa anorexic ang ginagawang diet ng dating Starstruck na si Natalie.
Nang dumating nga siya sa ganung kalagayan o sitwasyon ay talagang biktima rin siya ng body shaming.
Wala naman kasi nakapupuna na umober na ang kanyang pagkapayat pero may ilang concern na kaanak at kaibigan ang pumuna.
Sa ganun ay magagawan pa nito ng paraan na magbalik ang dati nitong pangangatawan.
Pakiramdam niya lang okey pero ang mga nakakakita ay asiwa siya kaya pinapansin o sinasabihan na aprub kay Natalie.
***
NOON pa man ay pinagdiinan ni Kris Aquino na never ito papasok sa pulitika.
Mas feel nito ang mas tahimik na buhay na lumalanghap-langhap lang ng sariwang hangin.
May mga bulong kasi at tukso ang netizens na puwedeng magtambal sina Kris at Yorme Isko Moreno.
Kaso nga malabo sa kalagayan ng kalusugan ni Kris ngayon dahil sa allergy at pasa-pasa.
May mga sitsit kasi na maganda nga raw na tambalan sa 2022 itong Isko as President at si Kris ay Vice President.
Mga kuda lang naman ng netizens na ubra na magsama sa susunod na halalan sina Yorme at Tetay.
Okey lang daw tumakbo si Kris kung okey ang kondisyon ng kanyang katawan at suggest pa nga ng netizens na ubra na si Kris na tumakbo as Congresswoman or Senator.
May pagbabago pa ba sa desisyon ni Kris na ‘wag na maki-join sa mundo ng pulitika or sa pagdating ng panahon ay mag gora na rin ito.
Well, well, well…’Yun na!