Advertisers
PATAY ang isang lalaki at isang babae nang pagbabarilin sa Sultan Kudarat, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Gilbert Hipolan, 50 anyos; at Cynthia Blazo, 23.
Ayon sa ulat, sakay ng isang sidecar ang mga biktima nang lumapit sa kanila ang mga salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at pinagbabaril sa may Barangay Crossing Simuay.
Agad na tumakas ang mga salarin.
Base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene, caliber .45 ang gamit na baril ng mga ‘di pa nakikilang salarin.
Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen.