Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TUTOK ngayon si James Reid sa K-Drama na oppa ang peg.
Pahinga ang showbiz career ni James at tumutok ito sa online na K-Drama.
Halos lahat naman ay nakatutok sa halos lahat ng K-Drama at ayaw na ngang bitawan pa ang panonood.
Sa kabila na addicted na ang marami sa K-Drama ay nabibitin pa ang iba sa pag-watch ng mga ito.
Napansin din ng netizens na new hairstyle si James na nagmukha na itong Korean.
Dito naman pokus si James sa online K-Drama na bida ito sa Mountain Dew.
dahil sa K-Drama na lulong na ang karamihan ay aminado ang mga TV producer na mahina na ngayon ang datingan sa telebisyon.
Timing naman si James sa paggawa ng K-Drama dahil tiyak na tututukan nila ang bagong project nito.
***
Cindy Miranda binubura sa IG ang mga nega comment
KAHIT nga pinabulaanan na ni Cindy Miranda na hindi siya ang third party sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abremica, may mga banat pa rin sa kanya ang mga pro-Kylie.
Hindi kasi ma-socmed si Cindy kaya nang buksan nito ang IG ay gulantang siya sa mga ipinupukol sa kanyang salita ng bashers.
Delete agad nito sa kanyang Instagram account ang mga negatibong pagbira sa kanya.
Hindi hahayaan ni Cindy na manatili ang mga nega comment na tulad ng K*b*t, P*kp*k at Bobo.
Naniniwala si Cindy na lalabas din ang katotohanan at inulit nitong ‘di siya ang third party sa Kylie-Aljur split up.
Pinagdiinan nito na magkaibigan lang sila ni Aljur at maliban dun ay wala na.
Well, well, well…’Yun na!