Advertisers

Advertisers

Joshua type makasabay sa pag-aaral maggitara si Daniel

0 247

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAITANONG kay Joshua Garcia kung sinong celebrity friend niya ang gusto niyang yayain na mag-enroll sa Academy Of Rock na eskuwelahan na bagong business venture nila ni Enchong Dee…

“Hindi ko masabi kung sino pero ang gusto ko yung makakasabay ko  kasi plano ko rin talagang mag-aral ng gitara, siguro yung makakasabay ko mag-aral.



“Si DJ kasi magaling na maggitara.”

Si Daniel Padilla na matalik niyang kaibigan ang tinutukoy ni Joshua.

Biniro ni Enchong si Joshua na dance classes ang ipa-enroll nito kay Daniel.

“Ah, hindi niya gagawin yun,” tumatawang reaksyon ni Joshua.

Hiningan naman si Joshua ng mensahe para sa mga artists ng ABS-CBN na tulad niya ay hindi umalis kahit nawalan ng prangkisa ang kanilang home network.



“Ako kasi personally natutuwa  ako sa mga artist namin sa Kapamilya kasi nagiging inspirasyon namin yung isa’t isa.

“So siguro… ipagpatuloy lang nila yung ginagawa nila.

“Kasi ako, personally nai-inspire ako sa co-artist ko, sa Kapamilya na hindi lumipat. So siguro ganun, to continue to support each other.

“Kasi sa aming mga artist sa ABS, we support talaga each other. So iyon lang.”

Nasa #19 Scout Borromeo sa QC ang Academy Of Rock na may acting workshop at voice, dance and musical instrument lessons na one-on-one o online classes.

***

ABANGAN ang Kapuso stars na sina Rhian Ramos at Pancho Magno sa fresh episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, July 31 — ang ‘Biktima ng Gayuma’ .

Malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina Ella (Rhian) at German (Pancho). Masusubok ang kanilang relasyon nang makilala ni German ang textmate niyang si Jenny (Muriel Lomadilla) at ‘di kalaunan ay pakakasalan niya ito.

Hindi naman maintindihan ni Ella kung bakit mabilis na nahumaling ang kanyang kapatid kay Jenny pati na rin ang pagbabago ng kanyang ugali. Malalaman ni Ella na nagayuma pala ni Jenny si German.

Maibabalik pa kaya ni Ella sa katinuan ang kapatid niyang si German?

Tunghayan ang natatanging pagganap nina Rhian at Pancho sa #MPK: Biktima ng Gayuma – sa direksyon ni Don Michael Perez – ngayong Sabado, 8PM, pagkatapos ng Catch Me Out Philippines sa GMA-7.

***

NAGTAPOS man ang Agimat ng Agila, hindi naman dapat malungkot ang fans ni Sanya Lopez dahil mapapanood ngayong Sabado (July 31) ang Kapuso actress sa Wish Ko Lang. Bibida si Sanya sa huling installment ng month-long special episodes ng programa para sa ika-19th anniversary nito.

Makakasama niya sa episode na “To Love Again” sina Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, Yesh Burce, at Pipay. Kuwento ito ni Yasmin (Sanya) na nauwi sa hiwalayan ang marriage sa asawang si Rex (Anjo) dahil kay Sophie (Arny)–ang best friend ni Yasmin. Isa sa pinaka-naapektuhan sa hiwalayan nila ay ang nanay ni Yasmin na si Teresa (Rita) dahil napalapit na sa kanya si Rex. Four years later, nagsimula si Rex ng bagong buhay kasama si Sophie. Pero hindi pa makapagpakasal ang dalawa dahil ongoing pa rin ang annulment nina Rex at Yasmin. Magkakasakit naman si Teresa at kakailanganin ni Yasmin si Rex. May Alzheimer’s disease kasi si Teresa at ang naalala lang nito ay ang good memories nina Rex at Yasmin.

Sa kanilang magiging set-up, tila mare-rediscover nina Rex at Yasmin ang feelings para sa isa’t isa at mare-rekindle ang kanilang pagmamahalan. Mapapraning naman si Sophie at iisiping gumaganti sa kanya si Yasmin.

Tuluyan nga kayang magkabalikan sina Rex at Yasmin?

Abangan ang “To Love Again,” sa Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado (July 31) pagkatapos ng Tadhana sa GMA.